Chapter 10

30.4K 1.1K 2.1K
                                    

"Pork chop sa akin, yours ba?" tanong ko kay Claude habang nagoorder kami dito sa Soledad.

Nagkibit balikat siya. "I'll have what you're having."

Nanliit ang mata ko sa kanya. "Ngayon ka lang ba nakakain dito?"

Tumango siya at tinanggal yung shades na suot niya. Medyo umiinit na rin dahil palapit na ang April at hindi na rin kasing lamig ng ber months.

"Bakit ka pumayag na dito tayo kumain?!" sabi ko sa kanya pagka-upo namin.

Ilang linggo na rin kaming nag-uusap araw araw at tuwing napapadpad siya dito sa town ay palagi kaming kumakain sa labas. 

"You told me you wanted to eat here," sagot niya.

"Sawa na kasi ako sa fast food! Palagi na lang kaming kumakain sa McDo at Jollibee these past days," paliwanag ko sabay higop sa sabaw na binigay ng isang ate.

"I can cook for you," sabi niya.

Ngumuso ako sa kanya para pigilan ang ngiti ko.

Ang landi naman talaga!

Kinuha ko yung ketchup at soy sauce at nilagay yung dalawang 'yun sa isang platito. Nilagyan ko rin yun ng kalamansi at sili. Nagulat nalang ako sa itsura ni Claude habang ginagawa ko 'yun.

"Wag mo sabihing di mo pa 'to nata-try?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya kaagad kaya napaawang ang labi ko.

"Try mo!" Sawsaw ko sa porkchop at bigay sa kanya ng tinidor.

Hindi niya man lang kinuha yung tinidor! Kinain niya lang yung porkchop!

Ang landi pala namin, akala mo naman may label!

"Alam mo ba, ngayon ko lang narealize na lagi mo pala akong pinupuntahan," sabi ko sa kaniya.

"Feeling." He laughed. "So what if I always come to see you?"

Natawa naman ako sa sinabi niya dahil may pa-deny deny pa siya, tapos aaminin niya rin lang pala!

"I mean, hindi pa ata kita nabibisita sa campus niyo," sabi ko sa kanya. "Mag-eeffort ako, siyempre. Ako lang naman yung may crush sa ating dalawa, diba?"

Nabulunan naman siya bigla sa kinakain niya kaya uminom siya ng tubig. Ngumisi ako sa kanya at kinagat yung isang slice ng pork chop sa tinidor ko.

"Jeez, Raf." He laughed.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Eh alam mo namang crush kita! Ikaw, hindi ko alam sa'yo kung bakit ka pa nakiki-kain sa akin," Iling ko habang humihigop nanaman sa sabaw.

"Isn't it obvious? Or are you just that dense?"

Halos mabitawan ko yung mangkok na hawak ko dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya pero yung mata niya ay nasa plato niya lang habang kumakain siya.

"Paborito ko talaga ang lumipang shanghai," pagpapalit ko sa usapan.

Masyado nang umiinit ang mukha ko para sa gano'n na topic!

Umiling naman siya at inayos yung pinagkainan niya. Palagi niyang ginagawa 'yan, kaya nahawa na rin ako sa gawain niyang 'yon. Para na rin mas madali sa mag-aayos ng mesa namin.

"Lumipang togue is better," he argued.

Napaawang nanaman ang labi ko. How dare he?!

"Lumpiang shanghai."

"Togue."

"Shanghai!"

"Togue."

Ngumuso ako. "Fine." Irap ko sa kanya.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now