Kabanata 35

3.7K 114 14
                                    

Visitor

Iritang-irita akong nag lakbay pabalik sa mansyon. Iniwasan ko ngang maka sabay sina Lolo at Mommy sa hapag dahil ayaw kong masira ang araw ko e mas mapait pa pala ang sasapitin ko ngayon!

I breath and breath out. Gustong-gusto kong singhalan kong sino man iyong mayabang na driver na 'yon! But that will not do anything good. Makakapagbitiw lang ako ng hindi magandang salita.

Tanaw ko na ang mansyon ng sinalubong ako ni Mang Lando. Isa siya sa magsasaka ni lolo.

"Magandang uma-" Naputol ang pagbati niya ng makita ang itsura ko. Bakas sa mukha niya ang gulat at katanungan sa nangyari sa'kin. "-ga Ma'am Allyana. Anong nangyari po sa inyo at naligo po kayo ng putik?"

I greeted my teeth without opening my mouth. "Magandang umaga din po. Uhh aksidente lang po. Babalik na ako sa mansyon."

Tumango ito at sinundan parin ako ng tingin hanggang sa malampasan siya. Nag-alala man pero kita ko sa mukha ni Mang Lando ang pag pigil na hindi matawa sa itsura ko. Mas lalo lang tuloy akong nairita.

Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa makarating sa bulwagan ng koral na kahoy. Ito ang gate papunta sa rice fields kung galing mansyon. Dito din ako dumaan kanina. Iba pa kasi talaga ang main gate namin sa harap sa dito.

Ang bantay na si Mang Beng ay kunot noong napatingin sa'kin. Lumapit agad siya at tiningnan akong mabuti.

"Ma'am Allyana ano pong nangyari sa inyo? Nadulas po ba kayo sa palayan?" Nag-aalala niyang tanong.

Nakita ko rin ang pag tingin ni Roberta, isa sa taga bantay ng rancho. Napatigil siya sa pagpapakain sa mga manok ng nakita ang itsura ko. Lumapit din siya katulad ni Mang Beng at naki usisa.

"Ma'am Allyana! Napaano po kayo?"

I breath deeply and exhale all the irritations. Talagang sira na nga ang araw ko. "Aksidente lang pero hindi po ako nahulog sa palayan."

"Naku po! Mag-iingat po kayo sa susunod Ma'am Allyana. Buti po walang nangyaring masama sa inyo." Si Roberta.

"Ayos lang ako, Roberta. Salamat po sa pag-aalala ninyo." Tumango ako at ngumiti saka tuloyan ng nag lakad papalapit sa mansyon.

Hindi kalayuan ay natanaw ko ang pamilyar na itim na sasakyan. My eyes widen when I saw the Hi-lux na siyang dahilan ng pagkasira ng araw ko! If I'm just not this lucky enough e nandito pa ito sa lupain namin!

Binilisan ko ang paglalakad ko at lumapit sa Hi-lux. The windows are very tented that I couldn't see what or who's inside.

Nakita ko si Flora na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng puno ng manga. Tinawag ko siya at agaran din siyang lumapit sa'kin.

"Ano po 'yon, Ma'am Allyana?"

"Kaninong sasakyan "to?" Sabay turo ko sa Hi-lux. Katabi kasi nito ang dalawang sasakyan na dala namin ni Mommy kahapon.

Kumunot ang noo niya habang nag-iisip. I could almost here the invisible crickets because of how long she was able to answer me.

"Ah! Sa ka darating na bisita po ng lolo niyo, Ma'am. Tama po! Kay Mister pogi po!" Kilig na kilig niyang sabi.

Halos umirap ako sa sagot niya. Mister Pogi? Ibig sabihin, hindi nagsisinungaling si lolo sa'kin kahapon ng sabihin niyang gwapo nga iyong lalaking nag bigay sa kanya ng mga buto ng mais na balak niyang ipakilala sa'kin!

I can hear my inner saying a loud NO!

"Okay, thanks." I storm out and went directly to the mansion.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon