#1 Paraluman

182 16 0
                                    


Sa nakapikit kong pagbaybay sa dagat ng kalungkutan,
kasabay ang mahinahong tinig ng mga alon.
Sa aking pagsagwan nang mataimtim sa kaliwa't kanan,
ikaw lang ang natatangi kong direksyon.

Magalit man sa akin ang karagatan,
sa pagiging tanga upang harapin ang delubyo.
Hangga't hindi kita nagagawang hagkan,
hindi ko madaratnan ang paraiso.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon