Chapter 25 : Her untold misery

82.3K 3.8K 1.2K
                                    

25.

Her untold misery

Tammy

"Ate!" Iyak ng iyak si Dustin habang tumatakbo sa pasilyo ng ospital, walang pakialam kahit nababangga na niya ang mga nurse, ang gusto niya lang, makita ulit ang kapatid matapos makatanggap ng tawag na hindi niya inaasahan.

"Dustin calm down!" Giit ni Kirk na nag-aalala man, pilit paring kumakalma.

"Nasaan ang ate ko?!" Imbes na kumalma, nagwala lamang lalo si Dustin.

"Dustin!" Agad pumangibabaw ang boses ni Calix kaya agad napatingin sa direksyon niya ang nag-aalalang sina Kirk at Dustin.

Kapwa gulat na gulat sina Kirk at Dustin nang makita si Calix sa labas ng isang pribadong kwarto. Basang-basa ito at parang nanginginig pa sa lamig habang yakap ang isang kulay puting twalya.

"Calix anong nangyari kay Tammy?!" Tanong ni Kirk.

"Ba't siya nandito?!" Sabi pa ng hindi mapakaling si Dustin.

Sasagutin na sana ni Calix ang tanong ng dalawa nang bigla na lamang lumabas ang isang doktor mula sa kwartong nasa likuran nila. Pigil ang luhang lumapit si Calix rito ganun rin ang dalawa.

"Its a good thing the bridge she leaped from wasn't that deep. Few more feet, you could've lost her for good. Its also a good thing din na mas mabilis mo siyang naisugod dito." Sabi ng matandang doktor pero imbes na makahinga ng maluwag, lalo lamang nataranta si Dustin.

"Kamusta na siya?! Yan ang gusto kong malaman!" Bulyaw pa nito kaya napabuntong-hininga na lamang ang doktor.

"She's fine. Just bruises and a fracture on her left arm." Paliwanag ng doktor kaya tuluyang napangiti si Dustin at tila ba nawalan ng lakas kaya naupo sa sahig. Nakangiti man, nagpatuloy ito sa pag-iyak dahil sa labis na takot na kanina'y naramdaman.

"Its okay, she's okay." Walang kaemo-emosyong nagpaulit-ulit si Kirk sa pagsasalita. Napabuntong hininga na lamang siya't niyakap si Dustin. Hindi man halata, tuwang-tuwa ang binata nang malamang maayos lang si Tammy.

"Physically, she's okay. But emotionally," Biglang sambit ng doktor at muling napatingin kay Calix habang umiling-iling. "Did she had any history of depression or any manic-depressive episodes?" Dagdag pa nito kaya agad nakunot ang noo ni Dustin.

"Walang sakit ang ate ko. Kahit kailan hindi--" Natigil sa pagsasalita si Dustin nang humakbang si Calix papalapit sa doktor.

"When she was 10, she had severe depression. Sa loob ng ilang buwan wala siyang ibang ginawa kundi mag-mukmok at umiyak, hindi na siya nagsasalita kaya ipinasok siya ng lola niya sa isang rehabilitation facility," Paliwanag ni Calix at ibinaling ang tingin kay Dustin, "she started talking again when she met you."

Naiwan na lamang na nakaawang ang bibig ni Dustin dahil sa narinig.

"Is she in medication?" Kunot-noong tanong naman ng doktor.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon