2

40.7K 898 42
                                    


VERANICE'S POV

Kakaalis lang nung first subject na teacher namin. At ito na at nag c-chismisan na agad kaming magkakatabi pati narin yung mga kaklase ko.

Madali naman pa lang kaibiganin yung mga kaibigan ng pinsan ko eh. They're friendly naman at mukhang magkakasundo naman kaming lahat dito.

Lumapit naman si Shia sa akin. "Uy, grabe yung ginawa mo kanina ha!" sabi ni Shia sa akin.

Kumunot pa ang noo ko. "Bakit, ano ba ang ginawa ko?" kunware ay di ko pa maalala. Kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

She sighed. "Kasi ang tapang mo kanina sa terror na teacher natin. Mabuti na lang at pinalampas niya 'yon." sabi nito.

I shrug. "Eh, sa late talaga ako eh."

Eula took a deep breath, "Panong hindi ma-late eh anong oras kana nagising?" sermon niya pa rin sa akin.

Tinignan ko naman siya. "Oo na po, sorry na."

"I like your cousin Eula ha!" sabi ni Kiel.

Napangiti naman ako. "Huwag kang masyadong humanga sa akin ha, baka kasi ma in love ka lang." and I winked at him. Tumawa naman ito kaya lumabas ang dimples niya, he's cute. Ngayon ko lang napansin.

"Huwag ka ngang ganyan Vera, iba na lang ang landiin mo huwag na huwag lang si Kiel! Walang talo-talo sa friendship natin, okay?" sabi ni Eula.

I pout.

Cute pa naman si Kiel.

"Sus, baka nagseselos ka lang eh." sabi naman ni Famcy kay Eula kaya tumaas naman ang kilay ni Eula.

"Hindi ah! Ayoko lang na masira ang pagkakaibigan natin dito 'no, at we've been friends for almost 4 years now, at ayaw ko lang masira yun 'no." singhal pa ni Eula.

Nakita kong ngumiti lang si Kiel.

"Oo naman. Hindi ko hahayaan na masisira ang pagakakaibigan natin." sabi ni Kiel.

"Oo nga!" sabi ni Famcy.

I sighed. "Don't worry guys... off limits na si Kiel sa 'kin." biro ko pa.

"Totoo 'yan ha!" sabi ni Famcy.

"Oo naman, Famcy." sagot ko sa kanya.

"Fam na lang kasi ang itawag mo sa akin, Veranice." napangiwi naman ako. Alam kong Veranice pangalan ko pero parang ang weird kapag whole name ko 'yong babanggitin mo.

"Okay Fam, at Vera na lang din ang itawag mo sakin..." sabi ko at tinignan ko silang lahat. "Vera na lang guys! Huwag lang 'yong Veranice."

"Sige ba." sabi nilang lahat at ngumiti sa akin. See, they're nice naman. Sana mapapagkatiwalaan ko silang lahat.

"Pero off limits ba talaga si Kiel?" biro ko pa ulit sa kanila.

Hinampas naman ako ni Eula. "Aray!" at agad ko namang hinawakan ang kamay ko na hinampas ni Eula.

"Huwag paulit-ulit, Veranice." sabi niya kaya natawa na lang ako sa kanya. Sinadya niya pa talaga banggitin ang pangalan ko ha. Hindi na ako magugulat kung itatapon na ako ng pinsan ko kasi kanina ko pa siya ginagalit.

"Sabing Vera na lang eh!" sigaw ko dito.

"At the back, keep quiet." sabi ng lalaking nasa unahan.

Wow ha, this is my first day. Tapos mapapagalitan lang ako ng isang kaklase ko.

Tinignan ko lang siya ng maagi. "Tsk, akala mo naman kung sino." sabi ko, pero mahina lang naman baka kasi marinig niya eh, first day pa naman. Natatakot din naman kasi ako minsan.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon