Chapter 12

28.6K 1.2K 1.5K
                                    

Pagkagising ko, may kumot nang naka-lagay sa ibabaw ko at unan kung saan naka-higa ang ulo ko. Ginala ko ang tingin ko pero wala naman si Claude.

Kinuha ko kaagad yung phone ko para i-chat siya pero nag-message naman siya 1 hour ago na umuwi na daw siya.

"Hoy, kinawawa mo naman si Claude," sabi ni Margaux sa akin habang pababa ng hagdan.

Tumayo ako kaagad ako.

"Naabutan mo si Claude?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at dumiretso sa kusina kaya sumunod ako sa kanya.

"Nakauwi ako mga 1, tapos tulog siya jan sa sofa kasama ka." She laughed. "Nagising siya nung binuksan ko yung ilaw tapos humingi siya ng kumot tapos umalis na rin siya."

Naalala ko tuloy kagabi nung nandito siya. Nilabas ko kaagad yung phone ko para i-chat siya.

Rafaela Escalde: me is awake

Rafaela Escalde: me is apologizing for last night

Claude Johnson Noestro: me is home

Claude Johnson Noestro: me is saying u has nothing to be sorry for

Napangiti naman ako sa reply niyang wrong grammar. Dumiretso ako sa kwarto ko at pumasok sa banyo para maligo. Nagsuot rin lang ako ng pambahay dahil wala naman akong balak lumabas ngayon. Bumaba ako kaagad at nanuod ng series sa Netflix habang si Margaux ay nagluluto ng breakfast.

Nagchat ulit si Claude na wala daw siyang magawa kaya nagselfie ako para isend 'yon sa kanya.

Rafaela Escalde: me 2 bored na aq isang week tayong walang klase ih

Claude Johnson Noestro: u wanna go to the beach?

Rafaela Escalde: HA wala naman beach dito hmp puro bundok lang

Claude Johnson Noestro: i'll pick you up in an hour

Kunot noo naman akong nag-basa ng message niya, pero nagpalit rin lang ako kaagad. Saktong sakto, pagkahugas ko ng pinagkainan namin ni Margaux ay nagchat na si Claude na nasa labas daw siya.

"Labas muna ako," Paalam ko kay Margaux.

Tinanguan niya lang ako.

"Hi!" I greeted him once I opened the door of his car.

He was wearing a white shirt and black shorts. Naka-black shades din siya. Sobrang simple lang palagi ng suot niya. Hindi mo aakalain na siya yung tipong lalaki na nagpapalit ng sasakyan dahil lang coding.

"You ready?" tanong niya sa akin.

Nag-seatbelt kaagad ako.

"Where are we going ba?"

"La Union," sagot niya sa akin habang nagmamaneho siya.

Tinaasan ko kaagad siya ng kilay. "Totoo?"

Tumango naman siya at nginitian ako. "Ayaw mo?"

"Gusto!" I squealed. "Ang tagal ko nang hindi nakakapuntang San Juan!"

Nilabas ko yung phone ko at pumili ng kanta dahil naka-connect na agad yung phone sa speakers.

"Pipili ako ng pang-roadtrip," sabi ko.

Tumango naman siya at naka-ngisi lang ako habang nagpeplay ang intro ng Stupid Love.

"What the hell is that?" tanong niya sa akin habang sinasabayan ko yung kanta.

"Ang 'yong kilay mapagmataas at laging namimintas! Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas!" I sang while pointing at him.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now