CHAPTER 14

11.3K 456 47
                                    


[Ryuuji]

ILANG minuto akong nakatayo sa harap ng bahay nila Aika, matapos niya akong halikan sa pisngi. Daig ko pa ang pinako dahil hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko
Hindi ko kasi inaasahan na nanakawan ulit ako ni Aika. Dahan-dahan kong kinapa ang pisngi kong hinalikan niya, parang nakadikit pa ang labi niya sa pisngi ko pagkatapos hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko parang gusto ng lumabas mula sa katawan ko.

Nakarinig ako ng tahol ng aso kaya kumilos na ako, humakbang ako papunta sa kotse ko, bago ko pa i-start ang engine ng kotse ko sinulyapan ko muna ang bahay nila Aika.

Good night, Yats.

Pagkatapos pinaandar ko na ang sasakyan ko pauwi ng mansyon. Kalahating oras lang ang itinagal ko sa biyahe dahil wala naman traffic ng gabing-gabi. Pagkatapos diret-diretso akong pumasok sa loob ng mansyon, bago pa ako maka-akyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ko nakita ko si Mommy at Kuya Aeron sa may sala na nag-uusap. Saglit akong huminto para tingnan sila.

"Ryuuji, mabuti naman at nandito ka na, halika rito may pag-uusapan tayong tatlo," sabi ni Mommy.

Nagkatitigan kami ni Kuya Aeron. Pagkatapos umupo ako sa katabi ni Mommy.

"Ryuji, kumusta na pala ang girlfriend mo? Ang galing niya siya ang nanalo," sabi ni Mommy.

"Girlfriend ni Ryuuji ang Binibini?" sabad ni Kuya Aeron.

"Yes, girlfriend niya si Aika," sagot ni Mommy.

"Iyan lang ba ang pag-uusapan natin?" inis kong sabi.

"Hindi 'yon ang pag-uusapan nating tatlo, ang gusto kong pag-usapan natin ay ang Family reunion natin,"
sabi ni Mommy.

Tumayo ako. "I'm not interested, kayo na lang ang mag-outing hindi ako sasama," sabi ko.

"Kung ayaw mo si Aika na lang Mommy ang isama mo," sabi ni Kuya Aeron.

Matalim ko siyang tinitigan. "Wag mo'ng pakialaman ang girlfriend ko kung ayaw mong makalimutan kong matanda ka sa'kin." Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto.

Nagpalit ako ng damit ko at nag half bath ako. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong matulog.

                ********************

Hindi ko sinundo si Aika dahil hindi ito papasok ng morning class niya. May pupuntahan daw sila ng Mama niya, kaya naman kasama sina Fujima at Dan.

Nakatambay kami sa likod ng class room namin kung saan may tatlong mamalaking puno ng narra roon. Sa ilalim ng puno may dalawang kubol  na pahingaan ng mga estudyante.

May kasama sina Dan at Fujima na babae. Marahil ito ang bago nilang ka-fling.

"Ryuuji, kung ako sa'yo, seseryosohin ko na si Aika, baka maunahan ka pa ng iba," sabi Fujima. Nakahiga siya sa binti ng isang estudyante habang sinusubuan siya ng ubas.

Matalim akong nakatingin sa kanya upang ipaalam na maririnig ng babaing kasama nila. Napansin naman iyon nina Dan at Fujima.

"Baby girl, alis muna kayo mamaya na lang tayo magkita ulit," sabi ni Fujima. Bumangon siya pagkatapos hinalikan ang babae bago pinaalis. Gano'n din ang ginawa ni Dan sa kasama niyang babae.

Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa, hanggang ngayon hindi pa rin ako nasanay sa pagiging babaero nilang dalawa.

"So, Ryuuji, anong plano mo?"

Kumonot-noo ako. "Ano'ng plano?"

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos sabay na umiling. "Napakahina mo talaga Ryuuji, naturingan kang matinik sa kaaway pero pagdating sa babae, ang hina ng utak mo. Kailangan mong ligawan si Aika kung ayaw mong maunahan ka pa ng iba," sabi ni Fujima.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon