Kabanata 1

60.6K 2K 278
                                    

" Mamaaaa" napatigil ako sa paghahalo nung niluluto ko dahil narinig ko ang pagiyak ni Brylle. Mula sa kusina ay tumingin ako sa kinauupuan niya. Mukha namang walang problema.

Nakakunot akong lumapit sa kanya.

" What is it baby?" Lumuhod ako para makapantay ko yung mukha niya.

" Nothing." Nakangiti nitong sabi. Nung una ay naguluhan ako pero napangiti din sa huli. Hinalikan ko yung ilong niya tsaka tumayo.

Humawak ako sa pisngi niya bago bumalik sa kusina.

The cute little boy wants attention...

Napatawa ako sa naisip ko.

Kung iniisip niyo na anak ko siya, well I treat him as one and he treat me as his mother. But the truth is I just found him on the street while I'm also in the street.

Nakalagay lang siya sa basket nung makita ko siya at alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang maiwang mag-isa. 2 years old lang siya nung time na iyon at walang kaalam alam kung anong nangyayari sa paligid niya.

I'm glad dahil nagdecide akong alagaan siya. Siya na ang kasa-kasama ko palagi at hindi ako nakakafeel na lonely ako.

Now, everything I do is for him. I want to give him a best life, kahit na wala akong mapagkukuhanan ng pera ngayon.

Speaking of...

Nakatitig ako sa niluluto ko nang maalala ko na wala pa pala akong nakikitang trabaho.

" Huhuhu! Saan ako hahanap ng trabaho?!" Tanong ko sa kawalan.

Matagal na akong naghahagilap ng mga trabaho na pwede sa akin. Pero hanggang ngayon ay puro part time lang ako at alam ko na hindi iyon sapat para sa aming dalawa ni Brylle.

Tinakpan ko muna yung niluluto ko at nagscroll sa mga social media sites. Ang newsfeed ko kasi ay puro job hiring. Ang buong history ng phone ko ay tungkol lang sa trabaho. Hindi ko na kailangang isearch dahil kusa ko na siyang nakikita.

Kadalasan ng mga trabaho ay kailangan tapos ng college. At yun yung mga trabaho na gusto ko talagang makuha. Ang pasok lang kasi sa resume ko ay mga:

Janitor

Driver

Waitress

Maid

At iba pang ganoong klaseng trabaho. Hindi naman sa ayaw ko sa mga ganoong trabaho dahil maarte ako, gusto ko lang magkaroon ng pagkakakitaan na mabubuhay kaming dalawa.

To be honest, masyadong mataas ang pride ko para sumabak sa ganoong mga job.

Tinignan ko ang niluluto ko at mukhang luto na kaya pinatay ko na ang apoy.

" Oh Nassandra, may pagkain na ba?" Napatingin ako sa isang middle aged woman na pumasok sa kusina. Siya ang may ari ng bahay na pinagtutuluyan namin ngayon. Siya si Tiya Anne. Strikto siya pero mabait naman. Nang makita niya kami ni Brylle na nasa gilid ng kalsada malapit sa bahay niya ay hindi niya kami natiis.

Nung una ay binibigyan niya lang kami ng mga pagkain. Pero nagkakausap kaming dalawa at nang tumagal ay inalok niya akong manirahan sa bahay niya kasama si Brylle. Nagiisa daw lang siyang nakatira sa bahay at walang kasama. Syempre pumayag kaagad ako. Hindi kami nagkaroon ng maayos na tirahan ni Brylle nang madaming taon at di kami tatanggi sa isang komportableng bahay.

Ang kapalit ng pagtuloy namin sa bahay niya ay ang paglilinis ko at pagluluto. Hindi kasi siya nagkakaroon ng oras para sa mga ganon dahil busy siya sa work as a social worker officer.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon