CHAPTER 21: WHO IS IN THAT PICTURE?

623 27 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kanina pa tinatadtad ng tanong Ni Mrs. Rendelle si Hell kaya no choice ito kundi sagutin lahat ng tanong nya.

Argh! Danger! Bakla! Please lumabas ka na at ng makawala na ko ditooooooo! Panalagin nito sa isip nya. Inip na inip na sya at baka di sya makapagpigil at masigawan nya na ang ginang.

At alam nyang pagginawa nya iyon, ay mababastos nya ito. Di nya malaman kung bakit may parte sa kanyang utak na nagsasabing magbakabait sya sa harap ng ginang dahil kailangan nyang gawin iyon upang matanggap sya nito. At iyong isiping iyon ang nagpapagulo sa takbo ng sistema nya.

"Girlfriend ka ba ng anak ko?" Tanong muli nito

Napangiwi si Hell dahil sa tanong nito dahil Hindi nya iyon inaasahan.
"Ah. Hindi po"

"Awwst. Bakit? Ayaw mo ba sa anak ko? Gwapo naman sya ah?" Ugh! Anong isasagot ko?  Tanong nito sa sarili, sa buong buhay nya ngayon lang nya pinayagan Ang isang tao na tatadtadin sya ng tanong dahil kadalasan ay nababanas sya o di kaya namay naiirita. Kung kaya't hindi nya malaman kung bakit nga ba hinahayaan nya itong ginang na to? Dahil ba Kay Danger? Nako malay ba natin

"Mom? Sino ba yan at parang napakasaya mo?" Hay! Salamat at dumating naren sya. Save by the gay whoo! Nakahinga naman sya ng maluwag dahil sa pagdating ni Danger

"Si Hell. Kaklase mo daw" abot tengang ngiti na sagot ni Mrs. Rendelle.

Napakunot ang noo ni Danger at bahagyang nagulat ang dalawa ng bigla itong suminghap at natigilan tapos tulalang tumitig Kay Hell. Problema ng baklang to? Bat Parang gulat na gulat? Ilang araw na syang weird tsk. Bulong nalang nya sa kawalan.

Maya-maya bigla syang humawak sa puso nya at tumakbo papuntang kusina then after 3 minutes. Eto na ulit sya naglalakad papalapit. Anyare sa kanya?  Malay natin? Eh? Ehtlog

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ni Danger kay Hell paglapit nya. As if namang gusto talaga nitong pumunta noh. Napilitan lang naman sya dahil... Dahil ano nga ba? Diba tinanggap nya kaagad? Kaya panong napilitan sya? Ay wala na ang talino ni Hell. Nayanig ata nang aksidente silang maghalikan. If aksidente nga lang ba yun.

"Ah-eh sige tuloy ko lang ang pagluluto ko. Hell iha. Dito ka na kumain ah? Para matikman mo naman ang luto ko. Wait for me ah? Wag Kang aalis hanggang di ka pa kumakain. Anyway feel at home wag Kang mahihiya." Tipid namang ngumiti si Hell at napipilitang  tumango. Wala naman syang magagawa eh. Mas maganda na yan ng umalis na sa harap nya ang mama ni Danger.

"Oo na mom! Alis na dyan" aboridong saad naman ni Danger.

"Ang cute Hell tapos demon yieee Parang tadhana para sa imperno ehehehe" bubulong-bulong pa ng ginang bago umalis na narinig naman ng dalawa kaya napailing nalang sila

Nang umalis na ang mama nito tiningnan nya ng masama si Hell ngunit halata namang wala itong pake sa kanya, Ni Hindi nga sya nito pinansin eh.

"Anong ginagawa mo dito?" Ulit nitong tanong. Imbes na sagutin sya inabot ni Hell Kay Danger yung papel. Bakit? Eh Alam naman nating tamad magsalita itong babaitang to eh. Kunot noo naman nya iyong kinuha

"Ano to? Love letter mo sakin? Aamin ka na ba?" Aba loko to ah! As if namang may gusto ako sayo like eww gusto sanang sabihin ni Hell yan sa harap mismo ni Danger but in the end di nya ren sinabi bakit? Kasi nga tinatamad syang magsalita

"Tss. Assuming" napairap nalang ito sa paggiging mahangin ng binata

"Oh! Nabigay mo na sakin yung love letter mo baka pedeng umalis ka na" Ngunit hindi paren sya nito pinansin at nilagpasan lang sya nito na parang hangin. Balak kasi ng dalaga na mag ikot-ikot muna upang maibsan ang nararamdamang pagkabored lalo nat nasa harap nya yung lalaking kala mo gwapo-- mahangin lang naman

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon