Kayleen

184K 5.1K 1.4K
                                    

Kayleen

 

 

“Bakit ba kayo nag-away ni Alex?” tanong ko kay Ashleen habang hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak.

Napuno na ng gamit na tissue ang trash bin ng kwarto nya.

“K-Kasi sya eh!” Hikbi nya. “N-Nakalimutan nya yung monthsary namin!”

“Nakalimutan ni Alex ang monthsary nyo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Parang hindi naman si Alex yon. “Baka naman busy lang sya?”

“B-Bakit naman sya magiging busy eh bakasyon naman ngayon. Walang klase ngayon diba? Ano pa ba ang pagkakaabalahan nya ngayon?”

Humagulgol na naman sya ng iyak. Niyakap ko nalang sya para kahit papaano maramdaman nyang di sya nag-iisa. Pareho pa kami ngayon na may problema. Si Ashton kasi eh!

“H-Hindi na nya ako mahal!” malakas nyang iyak. “M-May iba na siguro sya!”

“Ashleen, mag-usap muna kayo. Kausapin mo sya.”

“Basta! Ayoko muna syang isipin ngayon. Naiinis ako sa kanya! Kinalimutan nya ang monthsary namin! Ni hindi nya ako binati ngayon. Nakakainis sya talaga!”

Pinunasan nya ulit ang mga mata nya gamit ang tissue. Namumugto ang mga mata nya.

“Gusto mo bang lumabas muna ng bahay? Nuod tayo ng sine? Laro tayo sa arcade? Matagal na tayong di nakakapag-mall,” suhestyon ko. Sa totoo lang gusto ko rin talagang manood ng sine ngayon. Gusto kong maaliw.

“Sige. Wait lang ah. Di kasi ako nakaligo kanina, si Alex kasi!”

“Kaya pala kanina pa ako may naaamoy,” biro ko sa kanya.

“Oy! Sobra ka Kayleen! Naligo naman ako kagabi,” nakangiti nyang sagot.

Tumayo si Ashleen at pumasok sa bathroom nya. Humiga ako sa kama ni Ashleen at hinintay syang makatapos sa paliligo. Sa totoo lang ang sakit din ng puso ko ngayon, parang kinukurot. Di kasi mawala sa isip ko yung nakita ko kahapon. Bakit kaya sila nasa mall na dalawa?

May naramdaman akong nag-vibrate sa kama ni Ashleen. Nakita ko ang cellphone nya. Kinuha ko yon at tinignan. May nag-text sa kanya. Si Alex kaya?

Swipe to unlock lang cellphone nya kaya nabuksan ko. Si Ashton pala ang nagtext.

From: Lil Bro

Ash, nandyan ba si Kayleen?

Napanguso ako. Sabi ko sa kanya may date ako ngayon. Di ba sya naniniwala sa akin? Ano ba akala nya, walang ibang makikipag-date sa akin? Sya lang ba may kayang makipag-date sa iba? Di ko na namalayan na nagta-type na pala ako ng reply.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon