Kabanata 40

4.1K 97 17
                                    

Insane

Pasado alas dies na e hindi parin ako makatulog. Hindi maalis sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Heros. Nalilito ako kung ano ang paniniwalaan ko.

Sa ilang taon ko sa pagtutok sa counseling, natuto ako mag basa ng emotion ng tao base sa kanilang pakikipag eye contact, face emotion, hand movements and body gesture. I have use it whenever I have a task in criminal profiling. Hindi lang kasi sa counseling ang tinahak kong career. Of course, the very first reason why I took up Psychology is to understand the criminal and victim's behavior.

At sa nakikita ko kanina, alam kung hindi nagsisinungaling si Heros. I can see and feel his sincerity. Beside, walang playboy na naghihintay ng walong taon para lang sa ex-girlfriend niyang nang-iwan. Playboys don't wait. They always have reservation.

But I'm not sure if I only base it in my observation. Kailangan ko parin ng valid evidence. Tsaka kung nagsisinungaling lang talaga siya ngayon, para sa ano namang dahilan? For sure he won't use me for money. He is richer than me.

Nag research ako kanina tungkol sa kaniya at fact check na malayo na ang nariting ng Amante Agriculture Business Incorporation at Amante El Rancho. They are now nationwide renowed as the biggest manufacturer of premium agriculture products. Kung dati ay nagsu-supply lang sila, ngayon ay may mga branches na sila ng small or big supermarkets, meat shops and convenience store kung saan tinitinda ang mga produkto at iba pang extended businesses nila.

What else could be more?

And if he did all the hard things to earn my lolo's trust, that's too much for a prideful playboy like him can do. Lalo pa't napakahirap kunin ng loob ni lolo. Unless he really love me.

Does he love me?

I shook my head again at tumihaya na ako. Kinulong ko ang unan sa'king bisig at inipit ito. Pinikit ko ang mga mata ko para makatulog na.

I should stop all these nonsense thoughts! Kanina pa ako pabalik-balik sa pag conclude ng mga maraming possibilities pero sa huli ay wala naman akong gustong paniwalaan.

Bumuntong hininga ako at nag concentrate nalang na matulog. Mabuti nalang at nakipag cooperate naman ang utak ko.

Huni ng ibon ang gumising sa'kin sa umaga. Pitong oras lang siguro ang tulog ko. Ewan ko ba pero feeling hyper ako today. At hindi ito dahil sa kanya obviously!

Naligo ako at nag bihis ng maganda. I put light make up too and let Alicia braid my hair. Pagkatapos kong magpaganda ay bumaba na ako. Nasa huling baitang na ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Walang anuman, Mister Silvestre. Gusto ko lang din maka tulong."

Sumilip ako at hindi nga ako nagkamali. It's Daniel!

Pumasok ako sa dining area at nakitang nagka-kape na sila. Mommy is there too busy checking up on some of the reports thru her mac book while slowly eating her breakfast.

"Good morning!" Bati ko at lumapit kay Mommy saka bumeso.

"Good morning, sweetheart." Mommy said as she kiss me on the cheek.

"Good morning, hija." Si Lolo. Lumapit din ako sa kanya at bumeso.

Nakita ko ang pag sunod ng titig sa'kin ni Daniel kaya ngumiti ako sa kanya at bumati rin. He also replied with the same gesture.

Naupo ako sa tabi ni Mommy at nag simulang nag silbi ang dalawang kasambahay na naka antabay.

Napatingin ako sa harap ko at napansing wala ang isa. Manang Zana is outside while feeling the vitamin D from the morning light. Mas maaga kasi siyang nag bi-breakfast kasi mas maaga din siyang nagigising kaysa sa'min.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon