5

29.2K 740 32
                                    


VERANICE'S POV

Wala nga akong tinulungan sa activity namin ni Jethro pero nilista niya pa rin ako. Kaya'y makakakuha ako ng test bukas. Nilista niya nga talaga ako baka may tinatagong bait din 'yon sa katawan.

"Hoy!" at hinampas pa ako ni Shia.

"Aray ko naman." reklamo ko.

"Pano ba naman kasi tulala ka diyan, hindi mo pa kinakain ang pagkain mo." nandito na kami ngayon sa cafeteria nagtatanghalian. At tama nga siya kanina pa nga ako nag-iisip.

Napabalik naman ako sa realidad. "Oh, sorry." At hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkain ko.

Napatingin naman sa akin si Kiel. "Okay lang ba?" tanong ni Kiel sa akin.

I nodded. "Yeah, I'm fine." at nagsimula na rin akong kumain.

Umismid lang si Eula. "Asus, baka nagpuyat ka na naman kagabi." sabi ni Eula.

"Hindi ah, maaga nga akong natulog." sabi ko sa kanya.

"Maaga raw." at umiling iling pa ito sa akin.

"Omg!" tili bigla ni Shia. Kaya nagulat naman kami sa ginawa niya.

Hinampas naman siya ni Fam. "Ano ba yan Shia ang ingay mo naman." suway sa kanya ni Famcy.

Pangisi-ngisi naman si Shia ngayon. "Ehhh... nakita ko kasi si Lucian eh." ng marinig ko ang pangalan ni Lucian ay tinignan ko kaagad si Shia.

"Kilala mo ba siya?" tanong ko.

"Oo naman!" mabilis na sagot nito sa akin. What a coincidence.

"Paano mo siya nakilala?"

She flipped her hair. "Duh! Paanong hindi namin siya makikilal. Maliban kasi kay Jethro ay marami rin siyang admirers dito. Tapos he's very smart pa, one of the achievers din dito sa university natin." So, he's also smart.

"Talaga?"

Ngumiti naman ito. "Oo naman. Last school year nga, siya 'yong nangunguna sa batch namin eh." mukhang proud pa ito dito.

Sumali naman sa usapan si Eula. "Kasi... nagpabaya si Jethro nun." sabi ni pinsan.

"Kahit na, he deserved it." pagtatanggol pa ni Shia.

"Kung hindi lang sana nagkaroon ng family problem sina Jethro, edi sana siya 'yong mangununa. We all know naman kasi kung gaano katalino si Jethro." sabi naman ni Famcy.

"Oo nga naman. He's extremely genius.'' sabi naman Kiel. Wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi nila kasi bago pa lang ako dito. At wala pa akong kamuwang-muwang sa mga buhay nila. Pero nakakamangha lang kasi ang talino naman pala nilang dalawa.

Kaya hinanap ko na lang kung na saan na ba yung Lucian na 'yon. Nakita ko naman siya sa hindi kalayuan na may kausap. Pero nagulat ako nang magtagpo ang mga tingin naming dalawa.

Ngumiti ito ng napakalapad ng makita ako at nagsimula itong lumapit sa pwesto namin.

"Hala! He's coming!" at itong si Shia ay hindi na mapakali.

Kumunot naman ang noo ni Kiel. "Dito ba yan pupunta?'' tanong naman nito sa amin.

"Parang oo na parang hindi." sagot ko at nagulat ang lahat nung dito nga siya pumunta sa pwesto namin. Nang makalapit si Lucian sa amin ay agad itong lumapit sa akin.

"Hi." he greeted.

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. "H-hello." tanging 'yan lang yung lumabas sa bibig ko. Nakita ko naman ang gulat sa mga mukha ng mga kaibigan ko lalo na ni Shia. As if na hindi sila makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon