CHAPTER 15

11.5K 457 67
                                    


[Aika]

Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko palayo si Ryuuji, pagkatapos inamoy ko ang bouquet na ibinigay niya sa'kin.

"Ngiting in love ka, Aika," sabi ni Timmy na nasa likuran ko.

Humarap ako sa kaniya at pagkatapos ngumiti. "Hindi naman."

Ngumiti siya sa'kin, nakita ko ang boyfriend mo na bitbit 'yan,"

Muli kong pinagmasdan ang bulaklak at inamoy ko 'yon, napakabango ng bulaklak na binigay niya sa'kin. "Galing nga 'to kay Ryuuji."

"Sabi na nga ba sa kanya 'yan galing. Napapansin ko lang, Aika. Bantay sarado ka ni Ryuuji, hindi ba siya nakakasakal?"

Umiling ako. Kung alam lang niya na hindi ko totoong boyfriend si Ryuuji.

"Kung sabagay, maganda na rin na palagi mo'ng kasama si Ryuuji, dahil sigurong marami na ang nagpa-pantasya sa'yo."

"Wala naman," sabi ko.

"Anong wala? After ng Binibini ang daming nagchat sa'kin hinihingi ang number mo sa'kin. Sinabi ko lang sa kanila na boyfriend mo si Ryuuji."

"Gano'n ba?"

Tumango siya. "Nakaka-proud nandito sa class na ito ang Binibi ng Eastberg, ang galing mo talaga Aika." Ngumiti pa siya.

Dumating ang professor namin kaya natahimik kaming dalawa ni Timmy, sa buong sunject namin hindi nawala ang pag-congratulate nila sa'kin.

"Aika, pinapatawag ka pala ng Dean, pumunta ka raw sa office ngayon," sabi ng Professor namin.

Tumango ako at pagkatapos tumayo upang umalis.

"Dalhin mo na ang gamit mo, Aika baka matagal ka roon," sabi ng professor namin.

Binitbit ko ang bag ko pati ang binigay ni Ryuuji na bulaklak, hindi ko iyon iiwan dahil ipapakita ko ito kay Mama mamaya pag-uwi ko.

Nasa pintuan ako ng office ng Dean at pagkatapos marahan akong kumatok bago ko dahan-dahan ang binuksan ang pinto.

"Good afternoon, Sir."

"Come in, Miss, Miketsukame."

Pumasok ako sa loob ng office at nakita ko si Aeron ang kapatid ni Ryuuji. Tipid akong ngumiti sa kanya nang ngitiian niya ako.

"Have a seat." Tinuro pa ng Dean ang upuan sa harapan niya.

"Thank you, sir."

"Miss. Aika Miketsukame. I just want to congratulate you for being Miss Binibining Eastberg 2002," sabi ng  Dean.

"Thank you, Sir."

"May gusto pa lang sabihin sa'yo si Aeron." Tumayo ang Dean sa kinauupuan niya. "Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap." Lumabas ng office ang Dean.

Tumayo si Aeron at umupo sa inuupuan ng Dean. Yumuko ako dahil nakatingin siya sa'kin.

"Miss. Aika, congrats pala sa pagkakapanalo mo, marami ang taong humanga sa galing mo at ganda mo ngayon." Tumingin siya sa'kin. "Kasama na ako sa mga humahanga sa'yo."

Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tingnan. "Thank you,"

"May gusto akong i-Offer sa'yo?"

Tumingin ako sa kanya. "Ano iyon?"

"Puwede kitang tulungan para maging Model. Siguradong matutulungan mo ang magulang mo kung magiging Model ka."

"Model? Anong i-model ko?"

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon