Chapter 02 With My 2 Brother

6.9K 92 0
                                    

CHAPTER 02

Asha's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Agad akong nagtalukbong ng habol habang pagulong gulong sa katre bago ako umupo.

"Good Morning Asha" bati ko sa aking sarili habang kinukusot ko ang aking mata. Napatingin ako sa aking cellphone sa ibabaw ng lamesa.
"6:04? Not bad" agad kong inayos ang aking higaan at ang aking sarili bago lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at naabotan ko si Kuya Eros na nagluluto. Naaamoy ko yung fried rice kaya pasinghot singhot akong naglakad papunta sa lababo.

Naglimogmog muna ako bago hinarap si Kuya Eros na ngayon ay nakaharap sa  kanyang niluluto.

"Good Morning Kuya Eros" nakangiti kong bati sa kanya. Agad akong ngumuso ng di nyako pinansin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Malinis na ang kusina kaya umupo nalang ako sa upuan at kumakanta habang tinitignan ang kusina.

Pag pasok mo sa dito ay maaagaw pansin mo talaga ang kalinisan ng kusina. May mahaba itong lamesa na may sampung upuan. Sa kanang bahagi naroon ang mga utensil.

Sa gilid naman nito ay ang ref na maliit. Sa kaliwang bahagi naman nakapwesto ang paglulutuan, at naroon si Kuya Eros na busing busy sa pagluluto.

Sa ibabaw nito naman ay mga cabinet. Siguro dyan nakalagay ang mga ibang kagamitan pangkusina. Nasa gitna itong lamesa.

Pinagmasdan ko si Kuya Eros na nakatalikod. Tahimik lang itong nagluluto. Kapansin pansin sa kanyang galaw na sanay na ito sa ganitong gawain.

Ilang taon na kaya sya?

May girlfriend na kaya sya?

Tahimik akong nagmumuni ng pumasok si Ash sa kusina.

"Good Morning Asha tsaka Kuya Eros."masaya nitong bati samin. Nginitian ko nalang ito. Dumiretso ito sa lababo at naglimogmog.

Nang mapansin kong naghahanda ng pagkain si Kuya Eros, ay tumayo naku para kumuha ng mga pinggan.

1st time kung maranasan ang magkuha ng mga pinggan kay malaki yung ngiti ko habang naglalakad patungo sa lalagyan ng mga gamit. Dati kasi may maid kami.

"Ako na dito, maupo kana dun" agad akong napanguso ng kunin ni Kuya Eros sa aking kamay ang mga pinggan.

"Ako na dito Kuya." syempre di ako papatalo. Gusto kong maranasan to eh.

"Ako na sabi. Dun kana." pilit nitong inaagaw ang pinggan sakin.

"Akin na kasi Kuya. Ako na maghahatid dun" pilit kong inaabot ang mga pinggan na ngayon ay nasa kanya ng kamay.

Nang mahawakan ko ang mga pinggan ay agad nya itong itinaas kaya nahulog ang isang pinggan kasabay nun ang pagyapak ng pwet ko sa semento.

Nabasag ito pinggan kaya dali dali ko itong hinawakan.

"Anong nangyari dito? Ano yung nabasag?" natatarantang pumasok si Nanay sa kusina.

"Sorry po diko po sinasady--A-Aray" agad kong nabitawan ang basag na pinggan dahil sa nahawakan ko ang matulis na bahagi nito.

"Ang kulit kasi. Akin na nga kamay mo." seryosong sabi ni Kuya Eros. Inilahad ko ang aking kamay na dumudugo.

"Ako na muna dito Eros. Gamutin mo muna si Asha sa sala" sabi ni Nanay habang hawak hawak ang walis.

Hawak nya ang aking kaming habang naglalakad kami patungo sa sala. Pinaupo nya ako sa upuan sa  harap ng TV. Umalis sya saglit, pagkabalik nya ay may dala na itong pouch.

My Brother My Lover  (Puella Pulchra Series 01) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon