Prologue

218K 3.6K 1.1K
                                    

Prologue
Knights 6: Pursuing Cinderella
Edited Version

•••

"P-Pinalaglag ninyo ang anak ko? Habang tulog ako?" Hindi makapaniwalang sambit ni Miracle habang nakatingin sa pamilya niya.

She saw how her mom shut her eyes closed. "Miracle, hindi mo ba kami naiintindihan?"

Naiiyak na umiling ang babae sa ina. "B-Bakit? Bakit ninyo g-ginawa 'yon?"

Tumawa nang sarkastiko ang tatay niya kaya napalingon siya rito. "Hindi namin apo ang batang 'yan, kung sino man ang tatay niyan, malaking kahihiyan 'yan sa pamilya dahil may asawa ka na, Miracle! Pero nakuha mo pa ring lumandi?"

Napanganga siya sa sinigaw ng tatay niya. She bit her lower lip and cried. Hindi siya makapaniwala.

Tumaas ang tingin niya sa asawa na malamig lang na nakatitig sa kanila.

"A-Ang gagaling ninyo. Ang gagaling ninyong magdesisyon na para bang kayo ang nagdadala sa batang 'yon," she uttered while crying.

"Anak 'yon ng bastardo--"

"Mga tarantado kayo!" galit na sigaw niya na ikinagulat ng lahat ng nandoon.

"Anong karapatan ninyo... Anong karapatan ninyo?" nanghihinang tanong niya habang hawak ang sariling tiyan.

Hindi niya man lang naramdaman ang sariling anak, pero kinuha na agad ito sa kaniya.

"Pinatay ninyo ang anak ko, dahil sa putanginang dahilan na 'yon?! Ang kakapal ng mukha ninyo para pangunahan ako!" she shouted angrily.

Hindi makapaniwala ang mga tao sa harapan niya. They never expected that she'll burst out like this, ang kauna-unahang beses na nakita nilang nagalit ang babae.

Napasabunot sa sariling buhok si Miracle. "Anak ko 'to. Anak ko 'to, e. Bakit ninyo pinatay? Sinong nagbigay sa inyo ng katiting na karapatan para pakialaman ang buhay ko?!"

"Miracle!"

"Don't you dare shout at me kung ayaw mong mapatay kita!" sagot niya sa sariling tatay.

Napatakip sa bibig ang nanay ni Miracle dahil sa nakikita. Parang hindi niya na makilala ang anak na nasa harapan.

"All of you... How dare you do this to me?" Dinuro ni Miracle ang mga kaharap. "You never heard anything from me, kahit anong iniuutos ninyo ay sinusunod ko. Pero may narinig ba kayong reklamo mula sa akin? Wala 'di ba?! Sumagot kayo!"

Napaiyak ang ina ni Miracle sa tabi habang pinagmamasdan ang anak na lumuluha.

Halos mapaluhod si Miracle sa sakit na nararamdaman. "I did everything you told me to do without saying a word. K-Kahit katiting na reklamo at salita wala kayong narinig sa akin, dahil pinamukha ninyo sa akin na wala akong karapatan. Hindi ko kayo sinuway kahit isang beses kahit ayos lang sa inyo na nakikita akong miserable."

Umiiyak na umiling si Olivia sa sinabi ng anak. "H-Hindi totoo 'yan, anak."

"Shut up!" She was taken aback when her own daughter shouted at her.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon