44

75.4K 2.8K 1.1K
                                    

Third Person POV

Halos liparin na ng mag-amang Villaluz ang daan papunta sa kanilang bahay. Kanina ay nakatanggap sila ng balita tungkol sa kasalukuyang nangyayari sa bahay nila. Masyado silang nagpakampante sa mga gwardyang itinalaga ng mga Ramos at Juariz.

"Pa, sabi ni Parego na team leader ng SWAT inambush daw sila."

Hindi nagsalita ang matanda at itinuon ang pansin sa daan. Hindi na niya pinansin kung lumabag siya sa kung ano mang batas trapiko. Kailangan nilang mapuntahan kaagad ang kanilang pamilya.

Hindi sila dumaan sa mga kilalang daanan papunta sa kanila dahil sigurado siyang may mga nagbabantay na tauhan ni Chong Yan doon. Lumiko siya pakaliwa at ipinarada ang kanilang sasakyan sa tabi ng daan. Sumuot silang dalawa sa mga maliliit na daan bago narating ang likuran ng kanilang bahay. Rinig na rinig nila ang palitan ng mga bala sa loob at labas ng kanilang bahay. Walang tao sa kinatatayuan nila dahil isa lang naman itong masukal na daan na may kanal sa pagitan ng kanilang bahay at kanilang kapitbahay.

Walang ibang lagusan papasok ng bahay kung hindi ang isang maliit na pintuan na dating pinto ng kanilang aso. Konektado ito sa  dating maliit na kwarto ni Austine. Tahimik silang pumasok mula doon.

Dahan-dahang sinilip ni Arvy ang labas ng kwarto. Walang mag-iisip na kwarto ito dati dahil kakulay lang naman ng tabla nitong pintuan ang kulay ng dingding.

Kitang-kita niya mula sa sinisilipan ang ginagawang pagsapak ng sigurado niyang si Chong Yan sa kanyang kapatid.

"Pa, naabutan sila! Bilis!" Buong lakas nilang hinila ang nakaharang na kahoy sa pintuan at binunot ang kanilang mga baril. Walang sali-salitang binaril nila sa noo ang dalawang lalaking nakatalikod at nanonood sa kanilang amo na walang awang sinasapak sa noo ang kanilang  bunso.

Wala ng ibang nakakapasok na kalaban sa loob ng bahay dahil pilit na hinaharangan ng mga natirang tauhan ng mga Juariz at Ramos ang lahat ng lagusan papasok. Ipinanalangin na lang nilang makakaya ng kanilang ni Nathan ang leader ng sindikato.

Napatingin sa direksyon nila ang sabog na mukha ni Chong Yan."My, my, I wouldn't do that if I were you." Napatigil silang dalawa ng maglabas ito ng kutsilyo. "If you kill me, I will kill your son too! HA..HAHAHA! I have nothing to lose now, Villaluz! Everyone of you ruined my fucking business!" Nanlilisik ang mata nitong hinila si Austine sa kanyang buhok para mailabas mula sa sa sikretong daanan.

Sinakal nito si Austine gamit ang kanyang braso at itinutok sa leeg nito ang matalim na bagay.

"I SHOULD HAVE KILLED THE BOTH OF YOU BACK THEN. SANA PINAUWI KO KAYO PATAY. I SHOULD HAVE GOTTEN THIS MOTHERFUCKER FIRST!"

Mula sa peripheral vision ng dalawang pulis nakita nila si Chammy na dahan-dahang inabot ang isang baral.

"What more do you want Chong Yan? We already paid you! We will let you escape if you let go of my brother!" Ang sigaw ni Arvy sa lalaking nawawala na sa katinuan. Kailangan niyang madistruct ito para hindi mapansin ang kapatid.

"HA..HAHAHA! AHAHAHAHA! SHUT UP! YOU THINK I'M STUPID, VILLALUZ? HUH?YOU THINK I'M STUPID?!" Malakas itong tumawa at mas lalo pang idiniin ang kutsilyo sa kapatid. Tumulo ang dugo mula sa sugat na nagawa ng kutsilyo sa leeg niya. "PUT THAT DOWN! PUT YOUR MOTHERFUCKING GUN DOWN!" Ginamit nito ang kutsilyo para ituro sa kanila kung kaya ay nabigyan sila ng pagkakataong tirahin ito.

"PA!" Pinaputukan ng kanilang ama ang dayo sa kanyang kamay. Sapul na sapul ito kung kaya't nabitiwan kaagad nito ang hawak-hawak na kutsilyo.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon