Chapter 15

22.8K 1.3K 1K
                                    

"Hi, Raffy!" bati sa akin ni Elijah, yung leader ni Claude. "Nandoon si Claude, samay snack bar."

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Ngayon lang ulit kami magkikita since we came home from Sagada.

"Uy, Raffy!" Natalia smiled at me. "Claude oh!"

Napalingon kaagad si Claude na naglalagay ng popcorn sa isang paper bag. Tipid niya akong nginitian.

"Hey," bati ko sa kanya. "Need help?"

Binigyan niya ako ng isa pang sandok at sabay kaming nag-lagay ng popcorn sa mga paper bag. Medyo maaga pa kaya wala pang masyadong tao at nagseset up palang yung iba ng drinks para sa pre-party.

"How are you?" tanong niya.

Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. This past week, I've been reflecting on everything that's been happening. Parang ang daming nangyari ever since this year started.

And I don't want to keep lying anymore. I don't want to lie to Claude, to me and to God. I can't keep doing things just for other people to see.

"I've been thinking lang," I answered him. "A lot."

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "About?"

Nagkibit balikat ako. "Stuff."

This is the coldest conversation I've ever had with him. Parang mas marami pa ata kaming napaguusapan nung hindi kami close. Nung hinahatid hatid niya lang ako sa bahay.

"Me too," he said.

Parang bumigat ang kalooban ko nang marinig ko 'yon.

Ano mga iniisip niya? Naisip niya ba kami? Naisip niya ba kung ano mangyayari?

Ilang linggo na rin akong dinadala ni Claude dito, but I haven't really felt anything that special. I mean, naririnig ko naman yung ibang sermons nila but... I feel like this really isn't for me.

"Let's talk after," sabi niya sa akin.

Tumango ako sa kanya at tumulong na lang nang tahimik. May mga ibang nakikipagusap sa akin na leaders kaya hindi ko na masyadong nakasama si Claude. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko maiiyak ako any time.

Pagka-start ng service ay nasa magkabilang dulo kami ni Claude. Kaharap na kaharap ko siya. The only thing that was in between was the stage. Katabi niya si Natalia at mukhang nagtatawanan pa sila.

Masaya siya.

Alam ko namang sasaya siya, kahit hindi sa akin.

Right now, I've never felt more alone. I feel like I've totally cut off everything from my first love, ruined things with the guy I now love, and I can't bring myself to share my messed up problems with my other friends. Hindi pa ako maka-focus sa mga readings ko dahil nawawalan na ako ng gana.

And seeing Claude happy like that just makes me realize how dispensable I really am. Hindi naman talaga ako gano'n ka-importante.

Hindi ko alam kung bakit ba ako nandito. I feel like I just mess everything up all the time.

Once the worship team started playing praise songs, I tried. I really tried to enjoy it. Since this was going to be my last time here, I might as well let it all go here.

Kaharap na kaharap ko si Claude, kahit na malayo siya ay kitang kita ko ang luha niya habang nagwoworship. Naka-pamulsa lang siya at binaba niya ang ulo niya. It's so different from how I saw him the first time he was worshipping.

And it broke my heart.

I decided to close my eyes. Parang ang dami nang naka-baon na luha pero hindi ko mailabas. Sobrang bigat na ng lahat. Pakiramdam ko wala na akong masabihan na maski sa acads ko ay pabitaw na ako dahil sobrang bigat ng kurso namin. Pakiramdam ko huhusgahan ako sa mga pagkakamali ko with Claude. Pakiramdam ko huhusgahan akong wala akong naramdaman sa Diyos sa bawa't dala sa akin ni Claude dito.

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now