FINALE : ♫ It will rain ♫

28.5K 436 68
                                    

FINALE :It will rain

 

 

NOTE:Unang una maraming salamat sa lahat ng nagbasa nitong NUMB IS IN, alam kong hindi ganun kaganda. Pero masaya padin naman ako kasi kahit papano may sumoporta nito, well may bumasa man o wala tatapusin ko kung anong nasimulan ko. :) , masaya na ko sa mga readers na nagtiyagang basahin ito. Ngayon Final Chapter na! Thank You at nakaabot kayo dito!! :) Pagkatapos po nito may EPILOGUE pa.. MARAMING SALAMAT PO ULIT!! :** *HUGGGSSSS.KISSESSS*    



-------     

[Nasan ka?] – tanong ni Tj sa kay Alexis.  

“Pasakay na ko ng taxi, kinausap ko lang si Mr.Cortezano.” – sagot ni Alexis sa kabilang linya.   

[Wag ka munang sumakay, malapit na ko jan. Susunduin na kita. Okay?] – pinatay na ni Tj ang cellphone.  

  Maya maya lang dumating narin si Tj, agad sumakay si Alexis.  

  “Okay ka lang ba?” – tanong ni Tj..  

Tumango lang si Alexis.    

“Kain tayo.” – sabi ni Tj.  

“Sige.”    

Pumunta sila sa isang restaurant at kumain.    

“Eto na nga pala yung mga documents na kailangan mo para maibalik na sa inyo yung mga ari-arian niyo. Pinabibigay ni Matthew.” – sabi ni Tj.    

Tinignan yon ni Alexis.    

Huminga siya ng malalim.  

“Alam mo, hindi ko naman kailangan itong mga ‘to.. Nabuhay naman kami kahit wala yang mga yan.. At kaya kong buhayin sila Mama..” – sabi ni Alexis.    

“Alam ko.. Pero Alex, sa inyo yan.. Pinaghirapan yan ng Daddy mo..” – sagot ni Tj..  

“Oo pinaghirapan nga ni Daddy yan.. Pero Tj, naisip ko lang pano si Myx? Pano ang Mommy ni Matthew? Pano si Matthew? Kapag tinanggap ko ang mga yan lahat mawawala sakanila..” – sabi ni Alexis.    

Napatingin si Tj kay Alexis, hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang dalaga.. Mas iniisip niya padin ang ibang tao.. Alam na ni Alexis na wala ng matitira kela Matthew, kaya nga pinilit kunin ni Marcus ang lahat sakanila dahil nalulugi na ang kumpanya nila.    

“Alex? Hindi mo pa rin ba kakausapin si Matthew?” – tanong ni Tj..  

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon