Cold 2

21 0 0
                                    


Chastein and I parted ways after we ate. Uuwi pa raw kasi siya probinsya mamayang gabi kaya nagmamadaling umalis para magimpake.

Di pa rin maalis sa isip ko yung sinabi sa akin ni Chastein kanina.

Di naman kasi pumasok sa isip ko yung dream guy na iyon. Noon ay gabi-gabi ang panaginip ko tungkol sa kanya pero ngayon, di ko na maalala kung kailan ko itong huling napaginipan.

Nang mabanggit ni Chastein iyon, naramdaman kong posible na baka siya nga ang dream guy ko but as what i've said to Chastein, i'm done running after someone who might be not even real. Kung di pa babanggitin sa akin ni Chastein iyon ay hindi ko na ito maalala.

Naalala ko tuloy kung paano ako kagaga sa lalaking iyon.

When I was in my elementary, lagi ko siyang napapaginipan kaya naman tinawag ko itong dream guy. Hindi ko na tanda kung paano pero simula noon ay hindi ko na magawang tumingin sa ibang lalaki. It felt like, I was cheating if I were to like another guy.

I tried telling this to my friends but apparently, they don't believe me. Baka raw imahinasyon ko lang iyon sa mga nababasa ko. I lost my friends because of that issue, it made me feel like i'm an alien to them. Actually, when I cut my ties with them, I didn't felt the sadness of losing a friendship but rather I felt the relieveness.

Losing my friends that time wasn't a loss for me besides dumating naman si Chastein sa buhay ko. I lose some but I did gain a genuine one.

Nagkaroon din ako ng boyfriend when I was in high school but that was because kamukha niya yung lalaking nasa panaginip ko. After being with him, it made me realize that my ex wasn't that guy. We broke up eventually since we don't have much that time for each other and maybe we're still young that time to have such feelings.

Dumaan muna ako sa St. Claire Chapel para magdasal saglit. It's a habit of mine to go here before I go home. Di naman ako religious but I felt serene every time I go here that's why when I always feel troubled, ito lagi ang una kong pinupuntahan.

Naabutan ko naman ang ninong kong pari. Gugulatin ko sana kaso naalala ko nasa simabahan nga pala ako at baka mamaya masamain pa ako ng ibang tao dito.

"Hi ninong!" Bati ko sa kanya at niyakap siya ng saglitan lang.

"O iha, naparito ka?" Nakangiting tanong sa akin nito.

"Dumaan lang po ako dito para magdasal bago umuwi po."

"Minsan talaga magtataka ako kung saan ka nagmana ehh. Hindi naman relihiyoso pamilya mo." Natawa naman ako kasi totoo nga naman. Di naman talaga relihiyoso pmilya namin. Heck, ako nga lang ata sa amin ang nagsisimba tuwing linggo ehh.

"Nako ninong, baka naman ampon po ako?" Biro ko rito at natawa siya.

"Ikaw talaga iha. May naalala tuloy ako." Natatawang sambit nito.

"Ano naman po iyon, ninong?"

"Naalala ko lang sa iyo yung batang dumadayo rin dito noon para lang magdasal. Parehas na parehas kasi kayo ng ugali." Ahh. Mukhang alam ko na itong sinasabi ni ninong.

Palagi niyang nakwekwento sa akin na may paborito siyang bata noon dito, yun nga lang namatay ito dahil sa isang aksidente.

"Baka ampon talaga ako ninong." Mas lalo ko itong biniro kaya mas lalo rin siyang natawa.

"Ewan ko sa iyong bata ka. Kamukhang-kamukha mo ang mga magulang mo kaya malabo iyon. O siya, maiwan na kita rito at may kailangan pa kaming ayusin na programa para sa darating na piyesta sa susunod na buwan."

"Sige po!" At paalis na kumaway ito sa akin.

Oo nga pala. Piyesta ni St. Claire next month. Marami na naman uling mga taong galing sa kabilang bayan ang dadako dito.

Bitten WinterWhere stories live. Discover now