Chapter Ten

46 20 6
                                    

N, 22



Chapter Ten 


Kinabukasan ay maaga ulit kaming bumyahe dahil balak namin magbeach hopping ngayon. Alas sais palang ng umaga ay nasa sasakyan na kami papuntang Ogtong Cave Resort. 

Hindi ko alam kung hanggang doon ay nakabantay sa amin ang grupo galing Black Court o hindi. Sampung minuto lamang ang byahe papunta sa resort dahil magkakalapit lang naman ito.

Halatang inaantok pa ang ilan sa amin lalo na ang mga babae. Paano ba naman kasing hindi aantukin e, alas dos na kami nakatulog. Nagplano sila mag-pajama party to cheer me up daw, I said no but they were to excited about it so I got no choice but to agree.

"We're finally here!" sabi ni Dovalier, siya kasi ang nagdadrive sa sasakyan namin, sa isa ay si Zane at sa isa naman ay si Cypher.


Ginising na ang mga dapat gisingin dahil magche-check in pa kami. Nauna na akong bumaba at nagpunta sa lobby para ma-finalize ang details ng lakad namin ngayon.

Nang makapag-check in na ay kakababa lang ng mga kasama namin na nakatulog. 

"Oh, good morning!" bati ko sa kanila. 

Ang iba'y tumango lang, humikab o di kaya'y bumati nalang pabalik. 


"Nagbook ako ng tatlong deluxe suite. Kasya sampung tao sa isa, walang matutulog, ha." pang-iinform ko sa kanila. Kung titignan mo ay para silang mga walang energy dahil sa kakagising lang nila.

"Dun muna tayo sa pool, mamaya na tayo pumuntang cave. Sabi ni Rei, hanggas alas onse lang tayo rito. Kaya sulitin niyo na," sabi naman ni Dovalier.

Pagkasabi niya nun ay agad na nagsi-ayos ang kasamahan namin para pumunta sa mga suite. We formed into three groups atsaka pa lang kami nagbaba ng gamit at nagbihis para makapagsimula na kami sa balak namin.

Walang pasabi ang iba, pagkatapos na pagkatapos nila magbihis ay kaagad sila dumiretso sa pool. Kaya ang natira dito ay ako, si Addison at Stellans. 


I looked at Stellans, I was planning to ask her opinion about sa Black Court nang magsalita si Addison.

"Hey, Rei. Have you wondered about what those men did to Lucas? 'Yung mga taga-Black Court?" she curiously asked.

"Oo nga, we haven't heard of him since that night. Hindi naman tayo binalitaan ng korte o ni Ms. Prilla kung anong ganap sa pesteng iyon." Stellans added.

Umiling ako at nanahimik nalang. Madadagdagan pa tuloy iisipin ko nito. Yesterday, I've decided to have a peace of mind. I forgave him but not what he did, pero dahil gusto ko lang manahimik at magkaroon ng kapayapaan, I let go of my thoughts. 

Though, I'm still willing to file a case.


"Tsaka na lang natin isipin pagbalik ng Manila." I said after a few minutes of silence. Alam ko naman na pinapakiramdaman nila ako kaya sila nanahimik. Besides, this is a vacation. We deserve to be relaxed and stress-free.

I brought my sunglasses and towel with me. Nauna na rin akong lumabas sa kanilang dalawa, I heard the door closed kaya naman alam kong sumunod na rin kaagad sa akin si Addison at Stellans.

I didn't bring my phone into the pool. Dala naman ni Addison yung kanya. 

Nang makalapit kami ay nasa pool sila, playing tug of war. Parang mga timang, bumagsak sana kayo at malunod.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon