45: Epilogue (COMPLETED)

86.7K 3.1K 1.3K
                                    

Austine Villaluz

Napapikit ako ng mariin at napakapit ng mahigpit sa hinahawakan kong bagay. Baldi-balding pawis na yata ang tumulo mula sa ulo ko.

"AAAHH!!!" Sigaw ko at parang maiiyak na sa sakit na nararamdaman.

"Austine, kaya mo 'yan!" Ang narinig kong pagpapalakas ng loob ni Lovely sa akin. Mas lalo akong napapikit ng mariin ng maramdaman ang unti-unting paglabas nito.

"H-hindi ko yata talaga kaya." Ang naiiyak kong sabi kay Lovely. Kinakapos na rin ako ng hininga beh. Sobrang pagod na pagod na ako. Gusto ko ng matapos ito dahil sa matinding sakit na nararamdaman.

"Bakla naman, kayanin mo! Ikaw pa ba?" Ang sabi ni Lovely. Medyo nanumbalik na ang lakas ng loob ko kaya muli kong sinubukang umere.

Ramdam na ramdam ko na ang pagkawala ng lakas ko. Hinang-hina na ang lola niyo beh.

"Isipin mo naman si Nathan, bakla. Si mama mo, papa mo? Buong pamilya mo? Iiwan mo nalang sila ng ganun-ganun?" ang muling paalala ni Lovely sa akin.

Bayot, get your shit together please.

"Kakayanin ko, Lorenz. Kakayanin ko 'to." Ang sabi ko at humugot ng malalim na hininga. Napapikit ako ng mariin ng makaramdam na naman ng contraction ng tiyan ko.

"Mga bakla! Matagal pa ba 'yang pagtae ni, Austine? Jusko naman, may plano ba kayong ituloy ang kasal?" Ang sabi ni Chammy. Saktong  pagpasok niya ay lumabas na nga ang huling wave ng pagtatae ko. Tabi-tabi po sa mga kumakain. Char! Nuno sa punso lang gurl?

"S-sandali, maglilinis lang ako ng pwet." Ang sabi ko at nilinis ang pwetness ko. Naiiyak ako beh. Matutuloy ba ang honeymoon nito? Eh nagtatae ako huhuhu. Arte-arte kasi nila mothers, with s kasi plural. Ayaw kaming payagan magkita di tuloy kami pwede magjugjugan! Pati videocall hindi rin pwede.

Paglabas ko ng cubicle. Mabilis akong nilapitan ng make-up team aka ang mga bakla ng aming baranggay aka my friends.

"Sandali lang mga bakla! Maglilinis lang ako ng kamay, baka halikan to ng bebeloves ko mamaya. Tubig pa naman ginamit kong panglinis." Ang paliwanag ko sa kanila bago dumiretso sa may lababo at naghugas ng kamay.

Hulaan niyo mga bakla kung ano ang special na mangyayari ngayong araw?

Well, It's Miss universe na mga bakla. Rarampa na ang lola niyo para sungkitin ang korona ni Zozibini Tunzi. Kabog na kabog ang mga candidates kapag nag-bikini ako mamaya.

Charot lang! Kasal ko ngayon kay Nathan. Halos isang dalawang buwan rin ang preperations kasi hindi magkaunawan si mother earth Consolacion aka my mother at si inang bayan-mayaman Nathalie aka sugalerang-mother-in-law-na-pinalayas-ako-sa-mansion-nila. Sumawsaw pa ang tatlong hunghang na sila Lovely, Chammy ay Loraine. Wala man lang akong say sa kasal ko mga bakla! Kulay lang at kagandahan ko ang nacontribute sa preparations. Myghad ha.

"Baks, 'di ba sabi ko wag ka munang kumain ng marami. Ang laki tuloy ng tiyan mo." Ang sabi ni Chooky sa akin dahilan para wisikan ko ng tubig ang mukha nito.

"Nakakadiri, bakla! What is matter and motion ba? Bakit ka nananakit ng mga kaibigan." Ang madramang sabi ni Chooky at maarteng pinunasan ang mukha.

"Gaga! Eh hindi 'yan busog, shontis 'yang friendship natin bakla. Nasa kanya ang corona ngayon kaya behave muna tayong mga patatas." Si Pauline ang sumagot na si Poncio Edgardo sa umaga.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon