Chapter 48: Red Days

5.3K 188 22
                                    

DEIL'S POV

"Salamat sa paghatid.."sabi ko at inalis na ang seatbelt

Tumingin muna ako ulit sa kanya at ngumiti

"Salamat ulit.Uhm..Kita na lang ulit tayo bukas."

Bumaba na ko ng kotse at nagsimula ng maglakad papasok sa building.

"Deil!"

Napalingon ako ng muli akong tawagin ni Henz

"Bakit?"

"Uhm.."

Lumapit sya sakin habang nagkakamot ng batok nya

Tumaas ang dalawa kong kilay

"Uh..Gusto ko lang sanang sabihin na.."parang nahihiyang sabi nya at napapakamot sa noo tsaka batok nito

Ano ba problema nito?Tsk.

"Ano yun?"nagtatakang tanong ko

Mahina syang natawa tsaka tinuro ang kinaroroonan ng kotse nya

"I-i just saw a red stain on the seat..I think you've....Uhm.."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya tsaka agad tinakpan ang pwetang bahagi ng pantalon ko.

"Well, hindi ko naman sinasadyang makita yun and nakita ko din..."sabi nya at tumingin sa medyo babang bahagi ng katawan ko

"On your back"

"H-ha?"

Ngumiti sya at umiling..

"See you tomorrow."sabi nya at naglakad na pabalik sa kotse nya

Pero bago pa sya makapasok sa kotse ay humarap muna sya ulit sa akin tsaka tumakbo

"I forgot something.."sabi nito at tinanggal ang suot suot na jacket at inabot sakin

"Para di ka mailang habang paakyat ka sa unit mo and..Para hindi magtaka yung mga tao kung ba't ka nakahawak dyan"nguso nya sa pwetan ko na tinatakpan ko pa din hanggang ngayon

Nahihiyang kinuha ko ang jacket at tinali sa bewang ko.

"S-salamat"

Tumango sya at ngumit tsaka nagpaalam na aalis na

Napapikit naman ako dahil sa kahihiyan..

shemsss!!

Natagusan ko pa ata yung upuan ng kotse ni Henz..

Ba't kasi bigla bigla akong nagkakaron tsk! Wrong timing pa.

----------

Pagkagising ko agad akong nagkilos para pumasok. Medyo wala ako sa mood dahil na rin siguro sa sakit ng puson ko hayss..

"Hey you!!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses

It's Diel

"Kelan ka pa nakauwi?San ka natulog kagabi?"tanong ko sa kanya ng makalapit sya saken

"Shunga!Kakarating ko lang noh."irap na sabi nya at hinawi ang side bangs nya

"Ahh..So kamusta naman ang ball?Sila mommy at daddy?Kumusta?"tanong ko

"Ito naman di man lang ako kamustahin.How dare you twin sister.."nakangusong sabi nya

Napairap naman ako

"Just answer me Diel"

Napataas naman ang kilay nya at natawa

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon