Chapter 49: Unknownymous

4K 166 10
                                    

Hi guys! Basahin nyo yung "My Famous Boyfriend" hihi. New story ko yun and teen fiction din sya. Sana suportahan nyo rin sya gaya ng pagsuporta nyo sa story na to. Enjoy readdingg guysuuuee! Mwapsss! Luvlotss!!

-------

LIAM'S POV

"Lo!Pwede ba,ayoko na maging bodyguard nung Zey na yun.Ba't ba kelangan pa ng bodyguard nun?"sigaw ko pagkapasok ko sa bahay

"Shut your mouth Liam Jin.Kailangan mo yun gawin for the sake of our company.Dahil kung hindi mo gagawin yan wala kang mamanahin after college."rinig kong sabi ni Dad

"I thought you two are in States?Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko

"We appreciated how you welcome us son."sarkastikong sabi ni Mommy tsaka ngumiti at lumapit sakin

"Be good to Zey okay?Malay mo kayo pala magkatuluyan."

Sinamaan ko ng tingin si Mommy

"Okay. Okay. Still Hazel and no one can replace her to your heart. I know that"sabi nya at ngumiti

"But if one day you fell inlove with someone else anak. Just accept it okay, you have to open your heart again. Sige ka tatanda kang binata."natatawang sabi ni Mommy

Inirapan ko na lang ang sinabi nya at nagsimula ng kumain

--------

"Pwede ba dumaan muna tayo sa Mcdo?May bibilhin lang ako."sabi ni Zey habang may hinahalungkat sa bag nya

"Di mo ba nakikita yung oras ha?Malelate na tayo. Kakupadan mo kasi. Ba't ngayon ka lang gumising? Tumagal pa tuloy kasi nag-ayos ka pa."

"Tsk. Bibili ako pagkain okay?Kaya sumunod ka na lang slave, nagugutom ako."

"Tsk. Edi magpakagutom ka, mamatay ka pa sa gutom bahala ka sa buhay mo."

.....

"Goodmorning Ma'am,Sir. What's your order Ma'am?"

Napabuntong hininga na lang ako

Bwisit talaga tong babaeng to galing mangblackmail

"I want bff fries please and two burgers tsaka burger steak na din, yung drinks ko is Coke."

"Okay Ma'am"

Matapos umorder ni Zey nagtungo na ulit kami sa daan papuntang school and yes kanina pa nagsastart yung first subject. Tsk.

Tahimik na nakain si Zey at tahimik din akong nagdadrive.

"Gusto mo?"tanong nya

"No thanks."

Di na ulit sya nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot

Agad syang bumaba habang bitbit yung fries at softdrinks

"Dadalhin mo yan sa loob?Sigurado ka?Di mo man lang ubusin?"

Nagkibit balikat sya

"Tara na."sagot nya lang

Pagdating namin sa classroom malamang pinagtinginan kami ng lahat ng makapasok kami and sinita lang kami ng teacher dahil late kami. At syempre wala kaming pake sa sita nung teacher kaya pareho kaming dumiretso sa upuan namin.

"Uyy nagdate pa kayo noh?Ba't late kayo ha?"

Sinamaan ko ng tingin si Pier

"Siraulo ka ba?Bakit ko idedate yang mukhang tomboy na yan?"

Nagkibit balikat si Pier tsaka tinuro si Zey na nakain ng fries

"May dalang pagkain. Mukhang sa Mcdo pa ata kayo nagdate."

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon