Kabanata 23

208K 13.2K 28.6K
                                    

[Chapter 23]

Napangiti ako sa aking sarili habang suot ang kuwintas at ilang beses akong umikot sa harapan ng salamin. Alas-siyete na ng umaga, naghahanda na kami sa byahe pabalik sa Maynila mamaya pero ito ang inaatupag ko sa mga oras na ito.

Napatigil ako at tumayo ng tuwid sa harapan ng salamin nang bumukas ang pinto at pumasok si Sebastian. Agad kong hinawakan ang damit ko pataas sa aking leeg na parang may suot akong v-neck upang hindi niya makita na suot ko ngayon ang kuwintas.

Magasalita sana siya pero inunahan ko na "Aalis na tayo? Halika na" saad ko na parang señorita. Nauna akong lumabas ng silid. Pagbaba ko ng hagdan, naabutan ko si Niyong na nagpapainom ng tubig sa kabayo.

"Niyong!" tawag ko sa kaniya. Maayos na ring nakalagay sa kalesa ang mga gamit namin. Napatingin ako sa paligid saka bumulong kay Niyong. "Nagpapahulugan ba si Sebastian?" tanong ko, ayoko talaga mag-assume kaya kailangan kong masiguro ang mga bagay-bagay lalo na ang mga kinikilos ni Sebastian.

"Ho?" nagtatakang tanong ni Niyong, napahawak ako sa kuwintas na suot ko. Kagabi ko pa iniisip na baka ibibigay sa'kin 'to ni Sebastian ng pahulugan. "Yung babayaran niya ng isang tao ang isang bagay nang paunti-unti" paliwanag ko. Napaisip si Niyong.

"Hindi ho gan'ong klaseng tao si Señor Sebastian. Hindi ho sa kaniya malaking bagay ang salapi" tugon niya. Napatango na lang ako, kalmadong rich kid ang peg ni Sebastian. "Sige. Salamat sa pagsagot" iyon na lang ang nasabi ko saka umakyat na sa kalesa.

"Ate Tanya, bakit iyong tinatawag sa mismong pangalan si Señor Sebastian? Hindi ho magandang asal na tawagin niyo siya nang walang señor, heneral o ginoo" patuloy ni Niyong, mukhang pinapangaralan niya ako. Napahinga na lang ako ng malalim saka bumaba ulit sa kalesa at humarap sa kaniya.

"Niyong, naalala mo ba 'yung sinabi ko sayo dati na mas nakakataas ako kay Sebastian?" paalala ko sa kaniya. Muli siyang napaisip. "Ukol po sa inyong pagiging kerida ng mataas na opisyal?" saad niya, gusto kong kurutin si Niyong dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi 'yon!" saad ko saka tinaas ang aking isang palad habang ang isa ko namang palad ay nasa ibaba. "Kailangan mong maitindihan na mas mataas ako sa amo mo at kahit sa gobernador-heneral---" napatigil ako nang gulat na magsalita si Niyong.

"Hindi niyo ho nararapat na banggitin ang pangalan ng gobernador-heneral. Mapapahamak ka ate Tanya sa oras na may makarinig sa iyo" babala niya. Napatango-tango na lang ako.

"Basta. Ang hirap talaga ipaliwanag pero gusto kong sabihin sayo na sa lahat ng matataas na taong kilala mo dito, sa akin ka dapat pinakamabait at masunurin" ngiti ko sa kaniya saka tinapik ang ulo niya na para bang nakakabata ko siyang kapatid at tinatakot na isusumbong ko siya sa mga magulang namin.

Ilang sandali pa, natanaw na namin si Sebastian, kakalabas lang nito sa bahay-panuluyan. Binayaran na niya silid na tinuluyan namin. Dali-dali akong sumampa sa kalesa at umupo roon nang maayos. Nakita kong tumingin pa siya sa'kin saka inabot ang dalawang suman kay Niyong bago sumakay sa kalesa at umupo sa tabi ko.

Nagulat ako nang iabot niya sa'kin ang dalawa pang suman na hawak niya. "Akala ko hindi ka kumakain ng agahan?" tanong ko, inayos niya lang ang butones ng kaniyang coat. Bagay talaga sa kaniya ang kulay itim. Ang linis niya tingnan.

"Binigay sa'kin ng mga nangangasiwa sa bahay-panuluyan" tugon ni Sebastian. Napalingon si Niyong sa amin. "Marahil ay may gayuma ang pagkain na ito upang mahumaling ka sa kanila señor" biro ni Niyong. Tumawa ito. Wala namang reaksyon si Sebastian pero nahuli kong tumingin siya sa'kin. Samantala, napataas lang ang aking kilay at napatingin ako sa bahay-panuluyan.

Mukhang may bahay-panuluyan na makakatikim ng delete button sa Salamisim.

***

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon