Chapter 26 : How to end the game

78.1K 3.8K 706
                                    

26.

How to end the game

Tammy

"Ate..."

Napatingin ako sa pinto at nagulat ako nang makita ko si Dustin na nakatayo na pala sa paanan ko. Naidlip pala ako kakahintay na makaalis si Calix kaya di ko namalayang andito pala si Dustin.

Dali-dali akong naupo sa kama at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Nakikita ko pa lamang ang luhaang mukha ni Dustin ay para na ulit dinudurog ang puso ko. 

"D-Dustin... Dustin i'm sorry, I shouldnt--" Natigil ako sa pagsasalita nang umupo sa tabi ko si Dustin.

"Hindi. Ate kung may dapat mag-sorry dito ako 'yun. Sorry sa lahat ng mga nasabi ko. Sorry sa lahat. Wala akong pakialam kahit na hindi tayo magkadugo, wala akong pakialam kahit na hindi ako ang totoong Dustin. Pangako, kakalimutan kong nangyari ang araw nato. Pangako, hindi ko sasabihin kay Mommy at Daddy na alam ko na ang totoo. Pangako, pipilitin kong magpanggap na wala akong alam. Pangako hinding-hindi ko hahanapin ang totoo kong pamilya basta wag mo na ulit saktan ang sarili mo." Iyak ng iyak si Dustin at agad akong niyakap ng mahigpit. Kapwa kami umiiyak sa balikat ng isa't-isa kahit pa hindi ako halos makagalaw kasi sobrang sakit pa ng likod ko at may cast pa ako sa braso.

Masaya ako dahil sa mga narinig mula kay Dustin pero naiinis ako sa sarili ko, masyado ba akong selfish? Gusto ko lang naman magkaroon ng masayang pamilya. Gusto ko lang namang mahalin ulit ako ng mga magulang ko. Ba't kailangang maging ganito ka-komplikado ang lahat.

"Mangako ka sakin. 'Wag na 'wag mo ng ulitin yung ginawa mo kanina ha?" Sa sobrang pag-iyak ni Dustin, ang mga katagang ito lamang ang naintindihan ko. Madami pa siyang sinabi pero parang kinakain ng hikbi niya ang bawat salitang binibitawan niya.

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun kanina sa tulay. Ni hindi ko maintindihan kung paano ako humantong sa desisyong iyon, ang naalala ko lang takot na takot akong mag-isa at ayoko ng masaktan pa. Para akong nawalan ng kontrol sa sarili kong isip at katawan. Ayoko ng maulit ang pagkakamaling iyon. Natatakot na tuloy ako sa sarili ko.

****

Nagising akong mag-isa sa kwarto. Kakaunti lamang ang liwanag na nanggagaling mula sa nakawakling kurtina, nakapatay ang ilaw at aircon pero napakalamig parin. Akala ko madaling araw pa pero laking gulat ko nang makitang alas-tres na pala ng hapon.

Muntik ko ng makalimutan, ganito nga pala ang nangyayari sa Crimson Lake sa tuwing sasapit ang tag-ulan o di kaya ay binabagyo kami.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito.

"Ola muchacha!" Bungad-agad ni Milky habang nakataas dalawang kamay sa ere. Bigay-todo na siya sa pose niya pero nasayang lang ito nang bigla siyang batukan ni Quinn, muntik pa tuloy siyang madapa sa sahig.

"Pag-ako di nakapagbigil mapa-pacquiao kita!" Banta ni Milky habang nakakuyom ang kamao kay Quinn na nakangisi lamang sa kanya.

"Bring it on Michael Alfonso Kerubin Jr." Panghahamon naman Quinn sabay tutok ng nakakuyom niyang kamao sa pinakaiingatang talong ni Milky.

"Bitch!" Tili ni Milky dahil sa inis. If there's one thing that pisses Milky off, that's saying his real full name. There's a reason why we call him Milky and thats because ayaw niyang maalala ang papa niya. Hindi ko alam ang buong storya kasi ayaw pag-usapan ni Milky pero ayon kay Quinn, iniwan daw kasi si Milky ng papa niya noong bata pa siya. Nangabilang bahay sabi nila tas di na bumalik.

Nagtaka ako nang mapansin nakatingin na sakin sina Quinn at Milky. Hindi ko namalayang tawa na pala ako ng tawa. Iba talaga ang epekto ng mga kaibigan kong 'to sakin. Kahit minsan nakakainis, sila parin ang nakakapagpasaya sakin.

"Told you I could make her laugh first. Pay up you bitchy eggplant." Pagmamayabang ni Quinn sabay lahad ng kamay kay Milky.

"News flash, she LOLed coz of me. Right Tammybells?" Tanong naman ni Milky sakin.

Hindi ko alam pero parang naging normal lang samin ang araw. We talked about crazy stuff as usual, its as if walang nangyaring masama. We painted each other's nails, We talked about movies, We even talked about what we're going to do in Paris next summer. Sabi kasi ni Milky isasama niya kami since pumayag na daw ang mom niya. 

Sa sobrang tuwa, hindi namin napansin ang oras. Namalayan na lamang naming alas-syete na pala ng gabi.

"Oh my gosh, Tammybells kailangan na naming umuwi, may event pa kasi mamaya sa Cathedral. Quinn taralets! Baka ma washout feslalu ko sa ulan!" Paalam ni Milky kaya agad nakunot ng noo ko.

"Bakit anong meron sa Cathedral?" Hindi ko alam pero pakiramdam ko may tinatago sila sakin. Parang ayaw silang may pag-usapan kami.

"Lets just tell her." Sabi pa ni Quinn kay Milky at napatingin na lamang sakin, "Tams, there's going to be a prayer vigil tonight for all of the...alam mo na, dead... Everyone's going to be there, rain or shine." 

Nakakalungkot pero tumango-tango na lamang ako. 

Dali-daling nagsuot ng kani-kanilang mga jacket sina Quinn at Milky. Dali-dali rin nilang ibinalik sa mga bag nila ang mga gamit na dala nila. Ni hindi na sila pormal na nakapagpaalam sakin at dali-dali na silang nagtatakbo paalis kasi baka lumakas na naman ang ulan, kagabi kasi sobrang lakas rin ng ulan.

Mag-isa na lamang ako sa kwarto ko nang may mapansin akong isang kulay puting envelope sa sahig. Pamilyar ito kaya dali-dali ko itong pinulot at tiningnan ang laman nitong piraso ng papel.

Do you want this game to end?

Its easy, just stop your pretend

Death equals end

end equals mend

Can you do the ultimate sacrifice or will you keep being the despised?

Remember you who cried murder, your death will be the end.

END OF CHAPTER 26

THANKS FOR READING

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon