30 ~ Wedding

196K 7K 1.6K
                                    






CHAPTER THIRTY

IT FEELS like what happened to Kielton was her fault because of Rowen. Kung maayos niya bang kinausap ang lalaki at maayos na sinabing hindi niya na ito babalikan pa? Mangyayari pa kaya ang lahat ng ito? Magagalit pa kaya ng husto si Rowen? Maghihiganti pa kaya?

Napailing si Kianna sa sariling naisip, kahit siguro maayos ang trato niya kay Rowen, pipilitin parin siya nito at mas lalo lang magagalit dahil hinding-hindi niya na talaga ulit ito papapasukin sa buhay niya.

Eventually, she realized that it wasn't her fault, she just did what she thought is right, she turned down Rowen so he would stop hoping, but the culprit is such a bad person, that he can't accept the fact that they will never be together again. Rowen lost his chance to be part of her life when he cheated on her and that's the end of him.

She's not that very stupid to be with a man who only hurt her. Being Rowen's ex girlfriend is a shame. Sana nga ay hindi niya nalang binigyan pa ng tsansa ang lalaki noon, kung alam niya lang na gano'n lang din pala magtatapos ang relasyon nila, naiwan siyang luhaan at may galit sa dibdib.

Nang makarating si Kianna sa silid ni Kielton ay sa telepono kaagad siya dumeretso. Sa ibabaw ng lamesa ay may papel na nakasulat ang numero ng telepono ng bahay nila pati na rin ang cellphone number ng pamilya niya. She dialed the telephone number of their house, it's new.

"Hello?" Sagot ng kasambahay sa kabilang linya.

"It's me, Kianna, where's mommy?"

"Oh, senorita, ikaw na ba 'yan. Teka at tatawagin ko ang mommy mo."

Naghintay siya ng ilang sandali bago muling narinig ang pamilyar na boses.

"Kianna Avarie? Is that really you?"

"Yes, mom." she smile.

Kahit ang boses ng ina ay talagang namiss niyang marinig.

"Where are you? Ayos ka lang ba? We are looking for you. Nasaan ka anak ko?" Puno ng pag-aalala ang tono nito, hindi siya makasingit dahil nagsalita ulit. "Sino ang kasama mo? Mabuti at nakatakas ka sa mga tauhan ni Rowen, ang lolo mo at si Oliver ay hindi! That man is an evil!"

"Mom," aniya, siya pa yata ang magpapakalma sa mommy niya.

"Nag-away kami ng daddy mo, anak. Ang sabi ko sa kanya maghiwalay nalang kami kung hindi niya puputulin ang anomang transaksyon niya sa lalaking 'yon! We have evidence that that culprit was in your granpa's beach house in Romblon, we have the cctv footage! I will make sure that he will pay for all the mess he did with Papa!"

And her mother started to sob. Even if they are away, she could feel her mommy's pain, especially when she mentioned her father, her grandfather.

"Mom, lolo will be alright, I heard what happened. Kung hindi kami nakaalis, baka pati ako ay nakuha niya na."

Siguradong 'yon ang mangyayari at talagang nakakatakot isipin na makakasama niya ang gano'ng kasamang lalaki. Mas gugustuhin niya nalang mag-isa kesa 'yon ang kasama!

"Mabuti at nakaalis ka sa Romblon. Sino ang tumulong sa inyo? Anak, ayos ka lang ba dyan? Nasaan ka ba?"

"Ayos lang po ako dito. Ligtas po ako."

"Sobra akong nag-aalala. Hindi ka namin mahanap."

"Nasa ligtas na lugar po kami."

"Anak, totoo ba? Buhay si Kielton?" May pag-aalangan na sa tono nito. "We check the cctv footage, pero nabura na doon ang mga kuha noong mga nakalipas na araw, ang natira lang ay 'yung pagpasok ng mga tauhan ni Rowen sa bahay ng lolo mo at ang pag-alis mo, may kasamang lalaki, pero madilim, hindi gaanong maaninag kung sino."

Territorial Men 8: Kielton GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon