LABEL
by: arysrus | read at your own risk
My mom said don't settle for less, and don't want for more. Hindi daw maganda ang kulang, at hindi rin masarap ang sobra.
That's how she raised me; pero hindi ko alam kung bakit may mga bagay na mahirap kontrolin— isa na do'n ang pagkakagusto sa isang tao, kahit hindi ka kayang ipagsigawan sa buong mundo.
"Iba ang klase ng sakit pag iniwan ka kasi hindi puwede, 'yung masaya naman kayo, pero dahil bawal maghihiwalay kayo." Malamlam na tingin ang naisagot ko, imbes na magsalita ukol sa sinasabi niya hindi ko na nagawa.
My thoughts won't matter, kahit naman sabihin ko sa kanya na ganito-gan'yan kung ano ang nasa utak n'ya. Iyon ang susundin n'ya.
"Ganoon talaga siguro Isshi 'no, when you fell in love, everything is uncontrolled."
Tumango ako, at hinayaan siyang magsalita nang magsalita. Nang matahimik siya ay 'saka ako tumayo sa kinauupuan.
"I have to go, Nicole . May kikitain lang." Pagpapaalam ko sa kaibigan at siya namang pagtango niya.
Umalis ako ng classroom at agad tinunton ang building kung nasaan si Ace. I know he's busy doing something, pero hindi kasi iyon ang gusto kong itanong sa kanya.
"Ace," tinignan niya ako bago ngumiti, lumapit siya at hinalikan ang pisngi ko. Here we go again with his actions.
"Ang aga mo ata Isshi. Mamaya pa tayo magkikita 'di ba?"
I crossed my arms and he just smirked. Ano naman ang nakakatuwa sa ginagawa ko?
"You're being childish again. Look, babe medyo abala ako rito sa pinipaint ko. Wala tayong matatapos nito."
Naupo siya ulit at hinarap ang canvas habang nagpipinta na, hindi pinapansin ang pagtataray ko. At bakit nga ba ako nagtataray? Because I saw him with that cheerleader. Masyado silang malapit, dikit na dikit pa katawan niya roon.
What do you expect me to do? Siyempre susugurin ko siya rito!
"Ace, kailan pa kayo nag-kakilala ni Sofia. 'Yung cheerleader, na may malaking hinaharap."
Napatingin siya kaagad sa akin, bahagyang umangat ang gilid ng labi niya at lumapit sa akin.
"She's nothing,"
"Nothing? Pero kung makadikit sa'yo. Aba Ace, you're being a playboy again!" Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko at maging ng pisngi ko.
Pinakatitigan niya ang mukha ko at hinigit ako para yakapin.
"Isshi, you're over thinking, hush babe. Don't cry."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at 'saka bahagya siyang tinulak.
"I don't need to act like this, wala namang tayo eh. Wala tayong label, kaya para sa'n 'tong iniiyak ko." Pinalis ko ang mga luhang kusang nagsisilandasan.
"Isshi," mas mababa na ang boses niya ngayon, nakikita ko ang panunuyo sa mga mata niya.
"Tell me, ba't ba 'di mo ko mabigyan ng label?"
Hindi siya umimik kaya agaran ang pagtalikod ko sa kanya. Tumakbo ako paalis ng classroom na 'yon at hindi man lang niya ako naisipang habulin.
Gusto ko siyang balikan at sampalin pero para saan pa iyon. We've been like this for five months now, and fuck— I would rather go insane pag pinagpatuloy ko pa 'to. I planned to stop loving him. But it's not easy.
A week has passed at nasa lungga pa rin ako ng sakit, at umaasang sana suyuin niya ako tulad ng dati.
Pero 'tila isang malaking panaginip na iyon ay matupad.
February 14, 2020. Abala ang lahat, I planned to see him at makipagbati. Isang buwan na kaming walang usap at hindi rin siya gumawa ng paraan para ayusin ang tungkol sa amin.
I am fucking ready na makipag-ayos sa kanya with my maroon maxi dress, dating booth ang plano kong pasukin kasama si Ace.
Ako na ang gagawa ng paraan para magkaayos kami. Iintindihin ko na lang ulit na 'di niya pa kayang bigyan ng label 'yung kung anong meron sa amin.
Matamis ang ngiti ko sa bawat masalubong pero nawala agad nang may makita akong 'di dapat— ang sakit sa mata.
Para akong binuhusan ng tubig sa nakita ko. Si Ace at Nicole, my own best friend with the guy I loved.
"Hey, Sis!"
Yes, Nicole just called me sis.
Nanatili ang tingin ko sa kamay ni Nicole na nasa braso ni Ace. Ever since nagsimula kami ni Ace, hindi ko kailanman nahawakan ang brasong 'yan. And in public pa ha.
"Sorry hindi ko naikuwento sa'yo. Si Ace kasi 'yung tinutukoy ko dati na bawal na pag-ibig ko. My parents finally gave him approval; we're officially na." Matamis ang ngiti ni Nicole habang nakakapit sa lalaking limang buwan akong tinago.
"Oh, I see. Nice to meet you." I look at him, at parang may humahampas na punyal sa dibdib ko sa sobrang sakit nito. Tumulo ang luha ko the moment he look at me.
At parang wala lang sa kanya ang nakikitang reaksyon galing sa akin.
"O, bat umiiyak best friend ko." Pag-aalala ni Nicole at pinunasan ang pisngi ko gamit ang isang kamay.
"Tears of joy. Finally, nagkalabel na rin kayo. Masaya ako sa'yo Nicole, ikaw alagaan mo kaibigan ko." Namiyok ako, he nodded.
I turned my back, pilit pinipigilan ang pag-hikbi. Tumakbo ako palayo sa kanila, sa maraming tao at kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Kaya pala hindi ako kayang ipakilala sa buong mundo.
Kasi hinihintay ang best friend ko.
Kaya pala.
Kaya pala hindi ako mabigyan ng label.
Kasi ibibigay sa best friend ko.
Fuck. Label! Just fuck it!
