Chapter 27 : Nice to meet you

82.1K 3.7K 1K
                                    

27.

Nice to meet you

Tammy

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Napakalakas ng ulan sa labas na sinasamahan pa ng kulog at kidlat. Nakakatakot pero sanay na kami ng buong lungsod. Kung tutuusin may mas malala pang bagyong tumama dito sa Crimson Lake kesa sa bagyong nananalasa samin ngayon.

Pinagmasdan ko si Dustin na nakahiga rin sa tabi ko. Napakahimbing ng tulog niya at humihilik pa siya, palibhasa paborito niya ang mga panahong ganito para matulog. Kahit pa siguro magpatugtog ako ng malakas na rock music, di parin 'to magigising. Tulog mantika ang tiyanak nato eh.

Tumayo ako at nagpunta ng banyo upang maghilamos. Mahirap kasi kanang kamay lang ang pwede kong gamitin, hindi ko kasi maigalaw ang kaliwang braso ko. Kanina pa talaga ako hindi makatulog ng maayos. Maya't-maya lang akong nagigising, siguro dahil narin sa lalim ng mga iniisip ko. 

I hate this feeling.. I hate these disturbing thoughts...

Will my death really end this?

Do I really have to sacrifice?

Sana namatay nalang ako kahapon kung ito nga...

Bigla kong naalala ang mga newspaper na nasa apartment ni Jerome. It seemed like he was up to something. It was as if he was investigating the murders. He even has our names written on his walls as if he's solving a mystery.

The fear in his eyes... 

Pakiramdam ko may nadiskubre siyang labis na ikinatakot niya. Pero para patayin niya ang sarili niya? Ibig sabihin lang 'nun, higit pa yon sa nakakatakot.

****

Hindi ko na hinubad ang suot kong hospital gown. Matyaga ko na lamang na isinuot ang jeans ko at ipinaibabaw ang jacket sa maluwag na hospital gown.

Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Gustohin ko mang itali ang mahaba kong buhok, hindi ko magawa dahil kanang kamay ko lang ang naigagalaw ko kaya hinayaan ko na lamang ang magulo kong buhok na luwaylay sa damit ko.

"I'll be back." Hinalikan ko ang noo ni Dustin na napakahimbing parin ng tulog.

Lumabas ako mula sa kwarto dala lamang ang kagustuhang malaman ang katotohanan. Ngunit sa paglabas ko, laking gulat ko na lamang nang makita ko si Kirk na napabangon mula sa hilera ng mga upuang kinahihigaan niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Alam kong ayaw mo akong makita kaya---teka? saan ka pupunta?" Tanong niya agad sakin pero imbes na sagutin ang tanong niya, nagdire-diretsyo na lamang ako patungo sa elevator.

Napakatahimik ng ospital pero nakabukas naman ang mga ilaw, nakakapagtaka nga lang kasi wala akong nakikitang mga staff o nurse na naglilibot. Alas onse pa naman ng gabi, asan ba sila?

Nang akmang sasara na ang pinto elevator, bigla na lamang pumasok si Kirk na magulo pa ang buhok. Suot parin niya ang kulay itim niyang sweatshirt na nakita kong suot niya kahapon. Di pa ba siya umuuwi sa kanila?

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon