Chapter 68

16.9K 709 424
                                    


Rigel's POV

May kanya-kanyang lakad ngayon ang mga magulang ko at ang Ate ko kaya naman naiwan kaming dalawa ni Ray sa bahay. Hindi na ako nakapagluto ng almusal namin dahil kanina pa ginugutom si Ray kaya naman pumunta na lang kami sa bakery at bumili ng pandesal.

Nakaupo kami sa tapat ng bakery habang kumakain na binili naming pandesal nung makita namin si Tita Alexa.

"Good morning. Almusal?" nakangiting tanong nito at bumili ng pandesal.

"Yes po. May mga lakad kasi sila Mommy at ang Ate ko kaya naiwan lang kami ni Ray sa bahay." sagot ko.

"Hmm. Doon na kayo sa bahay mag-almusal." pag-aaya nya habang kinukuha ang biniling pandesal.

"Ah wag na po." pagtatanggi.

"I insist." pangpupumilit nya. Nagkatinginan kami ni Ray at nung makita ko syang tumango ay pumayag na rin ako.

Naglakad kami papunta sa bahay nila. Si Ray lang ang kausap ni Tita Alexa dahil patungkol kay Alex ang tinatanong nito. Nakarating kami sa bahay nila at una namin nakita si Aero na mukhang kakabalik lang sa pag-jogging. Pumasok kaming apat sa loob at nandon si Alex na nagpapatugtog ng piano. Hindi sya tumigil kahit na dumating kami, bumati lang sya samin at niyaya si Ray.

Umalis rin si Aero para magbihis at si Tita Alexa para maghanda ng almusal. Ako naman ay naupo sa couch habang pinapanood ang dalawa na tumutugtog ng piano. Kung ganito palagi ang atmosphere sa bahay nito, siguro ang sarap mag-relax lalo na sa tinutugtog ni Alex.

"Sinabi ko sayong magpahinga ka!" nagulat ako nung may sumigaw sa itaas. Boses 'yon ni Tita Zoe. Napatingin naman ako sa dalawang bata na iniba ang tugtog. Parang intense.

"Wag mo sila pansinin. Sinasaway lang ni Zoe si Dite." napatingin ako kay Tita Alexa na bumalik. "Makulit si Dite." naiiling na sabi nya. "Tara na sa garden." pag-aaya nya saming tatlo.

Tumingin muna ako sa itaas bago sumunod kanila Tita Alexa. Maraming pagkain na nakahanda sa glass table. Magkasabay na dumating sina Aero at Tita Zoe. Nagulat pa si Tita Zoe nung makita kami pero napangiti rin. Nakasunod sa kanila si Dite na may saklay. Napakunot ang noo nya nung makita ako. Inirapan ko lang sya.

"Anong ginagawa nya dito?" tanong nya.

"Niyaya ko sila kumain rito since naiwan lang silang dalawa sa bahay nila." sagot ni Tita Alexa.

"Ayaw pa." sabi ni Aero.

"Kaya nga, ayaw mo ba?" pang-aasar ni Tita Zoe. Mukhang alam ng buong pamilya na may gusto sakin si Dite.

"May sinabi ba ako?" tinignan ko na nagtataka ito. Hindi mo alam kung gusto nya ba o hindi dahil hindi naman halata sa mukha nya. Natawa lang si Aero at Tita Zoe sa sagot ni Dite.

Tumingin ako kay Dite na naupo sa tabi ko. Hindi ko talaga maintindihan ang isang 'to.

"Wag kayong mahiyang kumuha ng marami." sabi ni Tita Zoe. "Ray, kumain ka ng marami para kumain rin itong si Alex ng marami. Namamayat na eh." dagdag nya pa.

"Hanggang anong oras kayo maiiwan sa bahay ninyo?" tanong ni Tita Alexa.

"Hanggang mamayang gabi pa po." sagot ko. Kumuha ako ng mangang hinog na hiwa na. Tumingin ako kay Dite nung nilapag nya ang basong may juice sa harapan ko. Hindi nya ako pinansin at kumuha lang ng pagkain nya.

"Ehem. Dito na muna kayo habang wala pa ang mga magulang ninyo." sabi ni Tita Zoe. Mukhang napansin nila ang ginawa ni Dite. "Para na rin may kalaro itong si Ray."

"Sakto Ray, may bago akong video games ngayon. Maglaro tayo." nakangiting sabi ni Alex.

Tumingin sakin si Ray na nagtatanong. Napatango na lang ako dahil mukhang gusto rin naman ni Ray maglaro rito.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now