Chapter 2

25.7K 1.2K 891
                                    

Samantha

"Is this the right house?" Takang tanong ko sa sarili ko bago bumaba ng sasakyan.

Yeah. I didn't know Corinne's place. Noon kasi ay pinasundo ko na lang sya sa family driver namin para makapaglipat sya sa unit dahil nga busy ako noon sa pagmomonitor ng mga gamit ko na nililipat ko din.

Nandito ako sa tapat ng gate na color white. May mga bahay kasi doon na pare pareho yung design at laki. Tapos puro pintuan. Which one is Corinne's? Este Terry pala.

Tsk. Concentrate Samantha. You need that Terry. You have to get her to accept your vows until such time na ma.convince na ng parents mo na ipareconsider yung case mo kay Grandpa.

"Ahm, excuse me po." Magalang na sabi ko doon sa matandang nakatambay sa labas ng gate. Baka doon din sya nakatira sa mga bahay sa loob.

"Ano yon?"

Tumingin ako ulit sa bahay bago binalik ang atensyon ko sa kanya.

"I'm looking for Terry Alcatraz. San po kayang pinto sya nakatira sa mga apartment na yan?" Itinuro ko yung hilera ng mga apartment.

Nakatingala sakin yung matanda habang nagsasalita. Di ko tuloy malaman kung dapat ba mag slouch ako ng konti.

"Ahh, si Teray yung anak ni Aling Olive?"

Marahan akong tumango. Not sure why I find the name 'Teray' in between of being repulsive and cute. It sounds like a typical name ng mga batang lumaki sa baryo.

Itinuro ng matanda yung pangatlong pinto. "Doon yung bahay nila sa pangatlong pinto."

"Thank you po."

Paalis na sana ako ng makita ko na may kaing ng mangga doon sa tabi nya. She's selling those indian mangoes pala. Hindi pala sya nakatambay lang.

Napakunot naman ang noo ko. She's too old na para magtinda pa.

"'Nay, magkano po iyan lahat? Bibilhin ko na po."

Tiningnan ako ng matanda. "Hetong mangga? Bibilihin mo?"

"Opo."

"Lahat?"

Tumango ako ulit. I know how hard it is to earn a living. At her age, dapat nagreretire na sya. She's in between sixties to seventees.

"Naku, kikilohin ko muna itong lahat."

Mukhang hirap na hirap naman sya sa pagdampot ng mga mangga kaya naman minabuti ko na lang na maglabas na lang ng pera at bilihin na lang din yung lagayan.

"Heto po, Nay. Bilihin ko na lang din po yung kaing kung ibebenta ninyo." Inabutan ko sya ng tatlong tig-iisang libo. Siguro sakto na iyon para sa mangga.

"Naku, sobra 'to ganda." Nahihiyang ibinalik sakin ng matanda yung dalawang libo.

Nginitian ko naman ito bago sinabing itabi na nito iyon. Ibenta na lang sakin yung kaing kasi hindi ko din alam kung paano ko iyon ilalagay sa trunk ng kotse.

Buti na lang pumayag yung matanda. Kaya naman binuhat ko na lang iyon.

"Naku, sandali. Makikisuyo tayo ng magbubuhat nyan."

Napangiti naman ako. That's what I wonder about gender equality propagandas. People are pushing that women should be given equal rights as men. Tapos yung mga ganitong bagay, inaasa na dapat lalaki yung gagawa. Why expect gentlemen nowadays? Women should stand up for themselves if they want equal rights.

"Kaya ko ho ito." In-open ko yung trunk ng kotse bago ko iyon binuhat. Medyo pinagpawisan ako ng konti dahil hindi ko in-expect na sobrang bigat pala niyon. Pero kaya ko naman. Half of my weight is my weigh capacity limit. I got that.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon