#3 Paalam, Nakaraan

104 10 1
                                    

Kinukumot ako ng lamig,
habang hinehele ng sariling pagtangis.
Bangungot ko ang bakas ng 'yong himig,
kasabay ng mga hanging may ipinapahiwatig,

sa aking balat.

sa mga matang puno ng tubig-alat.

Minsan kong ninais kausapin ang kawalan,
at makipagtawanan sa pighati.
Magsunog ng mga luma nating larawan,
wala nang baga't pagtalikod ang pinili.

At ang basong-tubig na bunga ng pag-iyak,
ang siyang ginamit kong gaas.
Sa apoy na patuloy kung magliyab,
sa abong kaibigan ang wakas.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon