Kayleen

193K 6.4K 2K
                                    

Kayleen

Patuloy ang pananahimik ni Ashton sa tabi ko habang nanunuod kami ng movie. Ni hindi nya ako kinukulit. Hindi ako makapag-concentrate sa movie dahil gusto kong malaman kung bakit nga ba sila magkasama ni Trisha kahapon. Nilingon ko na si Ashton nang di na ako nakatiis. Itatanong ko nalang sa kanya para matapos na ang pag-iisip ko.

Kaso nang lingunin ko sya nakita ko ang ulo nyang  nakaharap sa gawi ko. Nakasandal iyon sa inuupuan  nya. Nakapikit sya at mukhang nakatulog na. Mukhang napaka-uncomfortable ng pwesto nya kaya naman umayos ako ng upo.

Muli akong umisod sa gilid ng upuan ko palapit sa kanya. Ipinatong ko nalang sa balikat ko ang ulo nya para hindi sya masyadong mangawit. Baka sumakit pa ang leeg nya pagka-gising nya. Kawawa naman, mukhang napagod yata sya sa practice nila.

Di bale na nga lang. Ang mahalaga nandito si Ashton sa tabi ko at hindi sa tabi ni Trisha. Kami ang nagde-date ngayon at hindi sila. Naisip ko lang na baka naman nag-over react ako sa naisip ko tungkol sa kanila. Baka naman may binibili lang sila na magkasama. Pero ano kaya?

Na-distract ako sa naamoy ko nang huminga ako nang malalim. Yung shampoo ni Ashton naaamoy ko. Hindi ko maipaliwanag ang bango ng shampoo nya. Magka-iba sila ng gamit ni Ashleen. Ang bango bango talaga ng buhok nya. Hindi man lang sya amoy pawis bakit ganon? Hindi ba ang mga lalaki natural na pawisin? Kasi yung mga lalaki kong kaklase palagi silang pinagpapawisan. Tumakbo pa naman sya kanina dito sa mall. Bakit nga ba sya tumatakbo kanina sa mall? Ni hindi  man lang sya nabigatan sa dala nyang electric guitar. Masakit siguro ang balikat nya.

Naramdaman ko syang nagising bago pa man sya gumalaw kaya pinigilan kong alisin nya ang ulo nya sa balikat ko.

“N-Nakatulog ako.”

“Matulog ka pa.”

“Hindi na ako makakatulog.”

“Nakatulog ka nga kanina. Matulog ka pa. Mamaya pa matatapos ‘tong movie.”

“S-Sorry. Okay na ako. Hindi na ako makakatulog talaga.” Inalis na nya ang ulo nya sa balikat ko.

“Okay lang. Mukhang napagod ka.”

“Napuyat lang ako kagabi.” Umayos sya ng upo.

“Bakit ka napuyat kagabi?” Pareho pala kaming di nakatulog kagabi.

“May hinihintay kasi akong reply pero hindi dumating.”

Bigla akong nilamig. Kasi naman hindi ko nireplyan ang text sa akin ni Mr Creeper kagabi. Nainis kasi ako sa kanya kahapon sa nakita ko kaya di ko pinansin yung mga texts nya.

“Kayleen?”

“Bakit?”

“G-Galit ka ba sa’kin?”

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon