12

22.1K 524 15
                                    

Her POV

"Ito na i-sasave ko na lang." sabi ni Hachi habang nagt-type sa laptop. Siya kasi yung typer namin ngayon kasi mas mabilis itong mag type kesa samin.

"Bilis Hachi para makauwi na tayo." nagmamadaling utos pa ni Ralph sa kanya.

"Oo nga, may date pa kasi ako." sabi naman ni Doro. Sila nga pala ang mga kasama ko sa reporting at iisang group lang kami.

Umirap lang si Hachi sa kanila. "Ito na nga diba." at kalmado lang ako dito sa tabi. Ako naman na kasi 'yong nag research ng report namin at nag summarize ng lahat. At may ambag na rin.

"Bilisan muna Hachi!" si Ralph.

"Eto na! Malapit na."

Hindi pa kasi sila makakaalis kapag hindi pa natatapos 'yong report namin. "Bilis... bilis baka magalit na 'yong bebelabs ko." sabi pa ni Doro

"Wow, ang tamis naman ng bebelabs." sabi ni Ralph at tumawa naman kaming lahat.

Tumawa naman si Doro. "Pag inggit, pikit ha."

"Tumigil na nga kayo." natatawang saad ni Hachi.

Napatingin naman ako sa relo ko. "Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko sa kanilang lahat.

Kaya napatingin naman silang lahat sa akin. "Teka lang Vera." pigil sa akin ni Hachi.

"Bakit Hachi?"

"Hindi pa kasi 'to nakikita ni Jethro eh. Baka may need pang eh revise sa report natin." nababahalang saad nito.

I sighed. "Hayaan muna si Jethro. Tama naman na siguro 'yan no. At absent naman siya ngayon kaya bahala siya." at isang himala nga lang at absent ang aming beloved president. For the first time.

"Baka may emergency lang yun, hindi naman kasi nag-aabsent yun eh." sabi naman ni Hachi.

"Oo nga, hindi ganun si Jethro." si Doro.

"Hayaan na natin yun, tayo na kaya ang mag r-report bukas." sabi ko.

"Yun na nga ang point ko Veranice, kailangan muna 'tong mabasa at makita ni Jethro. Para sigurado tayong tama ang lahat ng 'to. You know him, dapat wala tayong pagkakamali dito.'' sabi ni Hachi. Kasama din kasi namin si Jethro sa group.

I put my hand on my waist. "Then, we can just simply send this file on messenger."

Napangiwi naman si Hachi.

"Yun na nga ang problema eh, walang social media account si Jethro." si Doro.

"What? Imposible naman 'yan. Nasa 2020 na tayo tapos walang pa siyang social media account?" sabi ko.

"Ewan din namin dun. Masyadong  private din kasi minsan si Jethro eh at hindi rin namin alam ang number niya eh. Kaya wala kaming contact sa kanya." napakamot naman ng ulo si Doro.

"Oh, eh pano 'to ngayon? Sina Lanny at Theo sana pwede nating tanungin tungkol kay Jethro pero kanina pa sila nakauwi eh." nakauwi na rin ang mga kaibigan ko at si Eula.

"Paano kung puntahan mo na lang kaya si Jethro sa bahay nila?" suggest pa ni Ralph at napatango tango naman silang lahat sa suggestion nito.

"Wow! Ako talaga?" ayoko nga nag-away pa kasi kami nun kahapon eh. Hindi pa kami nagkakabati at baka masigawan lang ako no'n dun.

"Oo nga Vera! Total hindi ka naman natatakot sa kanya eh." sabi naman ni Hachi.

"Ano? Bakit takot ba kayong lahat sa kanya?" tanong ko.

Doro's nose scrunched. "Minsan lang naman." sabi nito.

Mukhang takot nga silang lahat sa kanya. "At bakit naman kayo matatakot sa kanya?"

"Tingin niya pa nga lang nakakatakot na paano pa kung magalit 'yon! Nako na lang." sabi pa ni Hachi.

"Oo nga."

"Natatakot din naman ako sa kanya minsan ah. Kaya kayo na lang ang pumunta sa bahay nila." sabi ko sa kanila.

Totoo naman, minsan kasi natatakot din ako sa Jethro na 'yon.

"Sige na Vera... ikaw na lang ang pumunta sa bahay nila."

Tumango naman si Hachi. "Oo nga."

"Sige na, Vera please. Isesend na lang namin sayo ang address ni Jethro." sabi ni Doro at agad na nitong binuksan ang cellphone niya.

Ayoko pa ring pumayag sa kanila. Hindi ko pa siya kayang harapin sa away namin. "Ayoko nga! We're not in good terms kasi ngayon, and besides kahit ni minsan hindi naman pala! Palagi lang kaming nag-aaway nun! Lalo na kahapon." sabi ko sa kanila. Sana naman maintindihan nila ako.

"Okay lang yan, hindi na 'yon galit sayo. Kinakausap ka pa rin nga niya kahapon diba?" si Ralph.

Tama nga naman siya pero hindu naman matinong usapan iyon eh. "May itinanong lang 'yon sakin kahapon about Lucian eh. Hindi pa talaga kami nagkakaayos." tinanong niya lang kasi ako kung bakit kami magkasama ni Lucian kahapon.

Napangisi namn si Hachi. "Yung totoo Vera, may namamagitan na ba sa inyo ni Lucian?" biglang naisingit ni Hachi sa usapan namin.

"Ha? At bakit nadamay pa si Lucian dito?"

"Wala lang, usap-usapan na kasi dito satin na meron kayong relasyon ni Lucian.'' at mas lalo pa itong nang-asar.

"Nako! Wala ah! Kaibigan ko lang si Lucian." totoo naman. Magkaibigan lang talaga kami ni Lucian.

"Eh si Jethro? Anong merong sa inyo?" sabi naman ni Doro at nginisihan pa ako ng nakakaloko.

"Ha? Wala ah! Hindi nga kami magkaibigan nun eh! Palagi niya akong inaaway! Wala siyang puso! Pusong bato siya! Hindi ko nga alam kung bakit ganun yun eh!" parang bigla namang tumaas ang dugo ko ah. Argh! Nakakainis lang kasi ang Jethro na yun!

"Yieee." sabi naman ni Hachi.

"Oh, bakit?"

"Wala lang, meron kasing kasabihan na the more you hate the more you love."

"Ewww, Hachi! Lumang luma na 'yan. Huwag kang maniniwala sa ganyan." tumawa naman silang lahat.

"Sabi mo eh."

"Pero sige na kasi Vera, ikaw na ang bahalang maghatid ng report natin may Jethro." pamimilit pa nila sa aking lahat.

I sighed. "Guys, ayoko talga. Kayo na lang kasi ang pumunta sa bahay nila."

At hinawakan pa ni Hachi ang mga kamay ko. "Ehh... ikaw na."

"Ayoko, Hachi. Ikaw na lang kasi."

"Ikaw na, Vera. Naniniwala kami sayo kaya muna yan."

"Sige na, paghinatid mo 'to kay Jethro. Kami na lang ang magrereport nito bukas." parang bigla namang lumapad ang ngiti ko ah. Dapat kasi tatlong tao ang magrereport bukas at kasama na dun si Jethro.

Napangisi na lang ako. "Talaga ba?"

Tumango naman sila. "Oo nga."

"Sige na nga! Ako na ang maghahatid niyan!" pumayag na lang ako.

"Yey!" at nagwagi nga silang lahat.

Sana makaya ko lang talagang makita si Jethro ngayon.

A/N: Keep on reading readers! I hope you'll like it.♥️

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon