SDO: A friend and a Boyfriend

218 14 0
                                    

Coen

Ngayon nga ay nagbobonfire kami. Katabi ko si Alford at nakaharap kami sa apoy.

Nakahubad pa rin kami ng pantaas at tanging tuwalya lang ang nakalagay sa katawan.

"Ang boring kung titignan lang natin yung apoy. Promise." Biglang sabi ni Clarence.

We all laugh pero sumangayon din kami.

"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ni Vio.

"Ang bobo mo naman Vio." Sabi naman ni Jermaine at tumawa ulit kami.

"Maglalaro tayo!" Sigaw ni Clarence.

Lima lang kami? Medyo boring.

"Ano namang laro?" Tanong ko.

"Truth or dare!" Sigaw ni Clarence at nagapir sila ni Jermaine. Iisa lang talaga utak ng dalawang to.

"Nasa buhangin tayo. Wala rin tayong bote." Sabi ko.

"Yun lang pala e, easy." Umalis sandali si Jermaine at Clarence ng sabihin nila yon.

Ilang minuto lang ay bumalik sila ng may dala dalang kahoy at bote.

"Okay..." Sabay namin na sabi ni Vio at nagtinginan kami.

"Sasali nga daw pala sila Tito!" Sigaw ni Jermaine. Patay na. Bat kailangan pa nila sumali?

"Ha-ha?" Utal-utal kong tanong.

"Bingi." Bulong ni Alford sa tenga ko at ng lingunin ko sya, nakangiti.

Di ko alam kung magagalit ako o maiinis. Magkaiba yon.

"Simulan na natin" Dad said then he sit with mom.

"Ito na papaikutin ko na!" Sigaw ni Clarence. Ginawa na nga nya ang sinabi nya.

Kung sineswerte nga naman, kay Jermaine tumapat ang nguso at kay Vio naman ang kabila.

"Truth or Dare." Tanong ni Vio.

Umirap si Jermaine.

"Syempre dare! Walang thrill pag truth!" Sigaw ni Jermaine. Sabagay.

"Tama, tama! Haha!" Apir nila ni Clarence.

Mga baliw.

"Sumisid ka sa dagat ng 20 seconds." Utos ni Vio. Gabi na ah?

"Gabi na pero dahil matapang ako, gagawin ko! Haha!" Tumakbo ng mabilis si Jermaine at agad na lumusong. Sinundan naman namin sya.

20 seconds has passed.

"May pating, may pating!" Nagkakandarapa si Jermaine na umahon.

"Hahahaha!" Tawa naming lahat. He's reaction is priceless. Haha!

"Anong pating ka dyan?!" Sigaw ni...

"Ashley?!" Sabay-sabay naming sabi!

Oo nga pala, sasama nga daw pala sya dito sabi ni Mom. Pero bat ngayon lang sya?

"Late na ba ko? Haha" Nakangiting tanong ni Ashley. Nakared sya na bistida.

"Ashley! I miss you!" Sigaw ni Jermaine at yumakap kay Ashley.

"Ako din!" Sigaw ni Clarence at lumapit din si Vio kay Ashley.

Ngumiti sakin si Ashley na parang nagsasabing yakapin ko din sya. Ngumiti ako sakanya pabalik at yumakap.

Since Day One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon