#13 Munting Trahedya ng Pag-ibig

90 8 1
                                    

Sa oras na magkulang ng tugma ang aking piyesa,
ang bawat kataga mo lamang ang kukumpleto nito.

Kung sintunado man ang bawat pilantik mula sa gitara,
hahanapin ko ang kamay mo upang maitama ang bawat ritmo.

Sakaling tumamlay ang musika sa pagitan nating dalawa,
isasayaw kita habang nakakulong ka sa mainit na yakap ko.

At kung isang lason man ang kape sa pareho nating tasa,
ako ang unang susugal matalo man ang magsakripisyo.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon