Chapter 4

24.1K 1.2K 1.3K
                                    

Terry

It's 8am in the morning. Kelangan ko pa mag asikaso. Ang usapan namin ni Sam kahapon ngayon sya pupunta para sabihin kay Mama yung tungkol sa 'relasyon' kuno naming dalawa.

Abala ako sa pagtitiklop ng ginamit kong kumot nang maisipan ko icheck yung phone ko.

Aba, syempre. Iba na ngayon yung status ko. Phone muna pagkagising sa umaga. Kelangan magcheck ng inbox at hanapin ang sweet messages mula sa dyowa. But to my dismay, there's no text from Samantha. Di ba dapat sweet sweetan na kaming dalawa?

C'mon, Terry. Make the first move. Baka nahihiya. Tanong mo kunwari kung anong oras sya pupunta mamaya.

Hmm. Nice excuse. I started typing on my phone.

Oy, Giraffe. Ano oras ka aakyat ng ligaw?

Natapos na ko magligpit ng pinaghigaan ko ng tumunog yung cellphone ko.

4 or 5pm.

Ganun lang? Nakatitig talaga ako sa screen ng phone ko. Ang tamad nya naman magreply. Nakakainis. Akala ko pa naman may banter sya sa sinabi kong pag akyat nya ng ligaw.

Nagbreakfast ka na?

Reply ko ulit sa kanya. Nakatingin sakin si Mama nung pumasok ako ng kusina habang nakatitig pa din ako sa cellphone ko. Inilapag ko yun muna sa mesa para makapagtimpla ako ng kape.

Naglalagay ako ng tubig mula sa thermos sa baso ko nang tumunog iyon. Dali-daling ibinaba ko yung thermos at agad na hinagip yung cellphone ko.

Y?

Letse! Muntikan na ko mabanlian ng mainit na tubig para lang mabasa yung text nya tapos ganun lamg yung reply nya? Ang saya.

Padabog na binagsak ko yung cellphone ko ulit sa mesa. Si Mama naman nagulat sa ginawa ko.

"Teray, anong nakain mo kagabi at masama yang gising mo?"

"Wala, Ma." Padabog na kumuha ako ng plato at kutsara. Pagkakuha ay naupo ako sa harap ni Mama at binungkal yung natatakpan na pagkain sa mesa.

Simple lang yung almusal namin. Pritong hotdog, tuyo, talong at sinangag na kanin. Yung kanin na natira namin kagabi.

Dinampot ko yung phone ko saka nagtype ng text kay Samantha. It's a perfect way para magtaka si Mama kung sino yung katext ko. Para pag dating ni Sam mamaya kahit papano may hint na si Mama.

Sinangag yung pagkain ko. Saka pritong tuyo, hotdog, at talong.

Muntik ko na talagang mabato sa pader yung cellphone ko ng replyan nya ako ng 'thumbs up' emoticon. Ano 'to post sa social media na nilike nya?

Anak ng tinapa kang Samantha ka. Kaya pala binasted ka ni Ate Corinne. Napakasarap mong kausap jusko!

Ikaw?

Sige. Tanga tangahan kunwari yung peg ko para lang mapahaba yung usapan namin.

In just one minute, tumunog na ulit yung cellphone ko. Ayan. Ganyan. Bumibilis na sya magreply ngayon.

Nagtaka naman ako kung bakit emoticon na babae yung reply nya? Is she implying na may babae syang kasama at ayun yung inalmusal nya?

Aba't kabago bago namin may kalandian na agad syang ginagawa. Swear! Kakalbuhin ko talaga sya. Sayang yung ganda at haba ng hair nya sa kalandian nya

Sige. Text ulit tayo. Confirm muna natin.

Babae?

Hindi ko na napigilan na bahagyang mapamura nang mabasa yung reply ni Samantha.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon