Chapter 28: Hindi itinadhana

1.3M 38.4K 16.1K
                                    

"WE'RE HOME!" SIGAW ni Candice. "O, Troy nandito ka pa pala? Akala ko umuwi ka na." Lumapit silang dalawa ni Tyler sa amin. Tiningnan ko agad si Tyler at ang sama din ng tingin niya sa akin.

Sa puntong 'yon gusto ko siyang sapakin. Kung gago siya mas gago ako sa kaniya.

"Kakatapos lang namin mag usap ni Tiffany," sambit ko habang nakatingin pa rin kay Tyler. Akala niya ba kaya niya ako? Pwes, nagkakamali siya. Hindi ako natatakot sa kaniya.

Tiningnan ko si Tiffany at nakatingin din pala siya sa sa 'kin. Nakita ko ang kamay ni Tyler na pumulupot sa baywang niya. Isinara ko ang palad ko dahil nakaramdam ako ng galit. Anong karapatan niya na hawakan si Tiffany? Hayop siya.

"Nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo na may surprise party akong hinanda para kay Jeydon mamaya. Gusto mo bang sumama? Sinundo na ni Marky si Jeydon sa school. At meron ding sasabihin si Tiffany at Tyler mamaya."

Tiningnan ko muli si Tiffany, pero umiwas siya ng tingin sa 'kin. Gusto ko nang umuwi, pero ang bagay na sasabihin nilang dalawa ang magpapanatili sa akin dito. "I'll stay, nagugutom na rin ako eh," dahilan ko.

"Mabuti pa habang wala pa si Jeydon ay maghanda na tayo. Excited na ako sa magiging reaksyon niya eh," masayang sambit ni Candice.

Hinanda namin ang dala nilang pagkain at isinabit namin ang banner na pinagawa pa ni Candice na may nakasulat na 'Congratulations, Poging Jeydon Lopez.' Napangiti agad ako no'ng makita ko iyon. Napaka-swerte talaga ni Jeydon kay Candice. Nakapatay na ang ilaw at unti-unting bumubukas ang pintuan. "Shhh.." paalala ni Candice sa amin.

"Asan si Candice?" tanong ni Jeydon. "Saan siya pumunta? Hindi man lang siya nagsabi sa 'kin." Parang bata si Jeydon na nagtatanong.

"Baka nakipagkita sa iba," pang-aasar ni Marry. Gago talaga siya.

"Si Candice 'yon, Kie, at hinding hindi niya magagawang lokohin ako. Hindi ang asawa ko." Kahit na nasa harapan ko si Candice at madalim ang paligid, alam kong nakangiti siya sa sinabi ni Jeydon. "Buksan mo na nga ang ilaw. Wala akong makita."

Bumukas ang ilaw at kasabay no'n ang pagsigaw naming lahat. "Surprise!"

Natigilan lang si Jeydon at halatang nagulat siya. Lumapit agad sa kaniya si Candice at niyakap niya ito. Sa bawat makikita mo silang dalawa na magkasama, madadama mo rin ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Simula pa talaga noon at hanga na ako sa pagmamahalan nilang dalawa.

"Dapat talaga dati pa 'tong surprise party na 'to, pero walang chance kaya ngayon na puwede na, surprise!" masayang sabi ni Candice. "Congratulations, asawa ko, sa new job mo. Mahal kita, te amo, saranghae, I love you sobra sobra."

Hinawakan ni Jeydon ang mukha ni Candice at hinalikan niya ito. Eto ang ayoko sa kanila, masyado silang sweet na pati asin nilalanggam na. "I love you forever, my wife, thank you for this."

"Puwede na ba tayong kumain?" singit ko.

"Kahit kailan ka talaga Troy, puro ka pagkain," sabi ni Marky.

Ngumiti lang ako sa kanila. Dumiretso kami sa dining area para sa wakas ay kumain na. Totoo namang gutom na ako dahil soup lang ang kinain namin kanina ni Tiffany. Ang daming hinandan ni Candice kaya alam kong mabubusog ako nito.

"Kamusta pala ang pagiging teacher, Jeydon?" tanong ni Marky.

"Masaya ako, kahit na ganito ang kalagayan ko hindi 'yon pinapansin ng mga estudyante ko. Parang hindi na ito basta trabaho lang kasi mahal ko ang ginagawa ko."

Nagkatinginan kami ni Marky at pareho kaming napangiti. Bata pa lang kaming tatlo ay pangarap na ni Jeydon na maging pre-school teacher. Masaya kami para sa kaniya. Ang laki ng pinagbago niya at lahat ng pagbabagong iyon mas nakaganda sa kaniya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon