Chapter 18

23.7K 1K 944
                                    

Nakapamulsa lang siya habang diretsong nakatingin sa akin. I don't know why even the way he looks at me gives me so much memories to think of. Mas matagal pa nga ang oras na magkahiwalay kami kaysa sa oras na magkasama kami, e.

"What's your problem nga?" I asked him again.

He scoffed and turned around. 

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. He didn't even answer me! Ano ba problema niya sa akin? As far as I can recall, siya yung nang-iwan sa Session no'n! Nahirapan pa akong pumara ng taxi pauwi!

Naglakad siya pabalik sa mga upuan namin at ako naman ay napa-irap sa kawalan. Sabi ko nga, hindi ako magsusuplada sa kanya ngayon.

Lord, give me patience.

"Hoy, ano 'yon?" bulong sa akin ni Selena pagkabalik ko.

Umiling na lamang ako. Hindi ko alam kung mahihiya ba akong hindi niya ako kinausap o maiinis. If he's happy the way this week is going with him being all suplado with me, then be it! Taas ng pride niya! Akala mo naman marunong siya mag-laba!

 "I heard there's this good longganisa place around here," sabi ni Mage. "Malabed's, I think?"

"Busog na ako," I whispered to Vale.

Tumawa lamang siya at ginulo ang buhok ko. Hindi pa rin nawawala yung habit niyang guluhin ang buhok ko para asarin ako.

"I heard it's good, though," he whispered back.

In the end, we all decided to go back to Fort Ilocandia and rest. Humiga lang ako sa kama habang hinihintay na matapos sina Mage na maligo. I don't know why I felt so drained. Hindi naman gano'n ka-layo ang Batac.

Nilabas ko na lang ang ilang reviewers ko para sa NMAT at nagsimula nang mag-basa. This week has already been consuming too much of my time, and I only have a few months left until I take the NMAT.

"Do not tell me you brought all these stuff with you from Baguio!" sabi ni Mage sabay kuha sa libro ko. "Are you kidding me? I came all the way from Manila and all I brought were clothes!"

"May physics sa NMAT! Bobo pa naman ako doon." Simangot ko.

"Sure kang sa physics ka lang bobo?" tanong ni Selena sa akin.

"Pati kaya in love." Natalia laughed.

Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Sabi ko na nga ba hindi ako makakapag-review nang maayos basta kasama ko mga kaibigan ko. It's a universal law. Kaya sa lahat ng taon na magkakaibigan kami, never pa kami nagka-group study na kumpleto kaming lahat dahil magki-kwentuhan lang kami.

"Sabi ko sa'yo, just follow our advice na kasi!" Sabi ni Natalia. "Make Claude jealous!"

"True lang." Kibit balikat ni Selena. "Nakita ko kayong magkausap nung kinuha mo phone mo kanina sa sasakyan, ah!"

"What? You're planning on making Claude jealous?" tanong ni Mage. "Your plan is for kids, ha."

"Sabi ko nga." Ismid ko.

Hinablot ko ang libro ko sa kamay ni Mage at nagsimulang mag-highlight ulit. Pakiramdam ko, sa kurso namin ay hindi talaga kami titigil sa pag-aaral.

"Wait so..." Umupo si Mage sa kama ko. "Your landian with Vale was fake? It was just to make Claude jealous?"

Nanlaki naman ang mata ko. Natawa si Selena at Natalia.

Kailan ko nilandi si Vale?

"Hindi ko siya nilandi ever!" depensa ko.

"Ah, sabagay gano'n naman na kayo dati pa." Mage shrugged.

Lumabas si Lia sa banyo na mayroong malaking ngiti. "Matagal ko nang sinasabi na bagay kasi kayo!"

A Tale In Session (City Series #1)Where stories live. Discover now