14

21.4K 548 27
                                    

Her POV

"What the hell are you doing here?!" at nakuha pa nga akong sigawan nito. Napahawak naman ito ulit sa ulo niya, maybe his head is aching.

Hinakawan ko naman ito. "Wag kana nga munang mag beast mode diyan! You're sick, Jethro. Tatawagin ko lang muna sina Manang sa baba!" jusko! Ang init niya na kasi baka kung mapano pa siya.

He suddenly grabbed my hands. "No, don't call them!" and tinignan ako nito ng masama.

"I have to! You're sick, Jethro! Gosh, you need to drink medicine." at parang hindi na rin ako mapakali sa sitwasyon niya ngayon.

Umiwas ito ng tingin. "What brings you here?" at parang wala lang itong narinig sa mga sinabi ko.

Napabuntong hininga naman ako. "Kasi pano ba naman wala ka kanina kaya sabi ni Hachi, ipapacheck daw muna namin sayo ang report na ginawa namin baka kasi may errors pa."

Humiga naman siya sa kama niya  "Ganun ba? Just leave it here, and you may leave." at pumikit pa ito at hinilot ang sintido niya. Nilagay ko naman ang flash drive sa table niya.

"I'll leave it here." napatingin naman ako sa sitwasyon niya ngayon. "And I won't leave you like this, manang need to know about this." at hindi naman ako kasing sama niya na iwan siya dito nag-aalala ako para sa kanya.

"I don't want them here." may diin nitong saad.

Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Nilalagnat na nga siya eh. "Pero Jethro the—'

"Leave, Vera." at medyo tumaas naman ang boses niya.

"Jethro naman eh."

"Leave." pag-uulit pa nito.

He's hopeless. "F-fine." I said. Iba kasi yung awra niya ngayon at medyo natatakot na ako para sa sarili ko.

Pero kaya ba ng konsensya ko na iwan yan dito. Kahit nag-aaway naman kami niyan ay hindi ko naman matitis na maghihirap siya dito mag-isa.

Pupuntahan ko na nga lang sina manang sa baba.

I'll stay whether he likes or not.

"Sige, aalis na ako ha." at hindi man lang ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Kaya isinira ko na lang ang pinto at daling-dali bumaba.

Hinanap ko naman kung saan ba ang kitchen nila dito. Sa pagkalaki naman kasi ng bahay nato eh.

It took me 2 minutes to find the kitchen and manang Jean.

Nang makita ko si manang sa kusina ay agad ko itong nilapitan.

"Manang!" sigaw ko.

Nagulat naman ito sa pagsigaw ko. "Ay jusko!" muntik pang mabitawan ni manang ang plato na hawak nito at napahawak pa sa dibdib niya.

Agad ko naman itong nilapitan. "Sorry po manang at nagulat pa kita." I sincerely apologize.

Nakahawak pa rin ito sa dibdib niya. "Nako, ikaw lang pala iha. Aalis kana ba?"

Kailangan malaman ni manang na nilalagnat na si Jethro sa taas. "Manang Jean... may kailangan po kayong malaman."

She look confused. "Ha? Ano ba iyon, iha?"

"Si Jethro po kasi manang nilalagnat. Ang taas po ng lagnat niya."

Nagulat naman ito ulit sa sinabi ko. "Ano? Si Jethro?"

"Opo manang, pwede po ba kayong magluto ng makakain niya and maybe some soup? Papakainin ko lang po siya at papainumin ng gamot."

"Nako! Kaya pala hindi pa bumababa yung batang 'yon! Nilalagnat na pala. Teka lang paglulutuan ko muna si Jethro." at dali-dali naman itong naghanda.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon