CHAPTER 6

61.9K 3K 2.4K
                                    


Excited akong pumasok ngayon kahit na hindi ko nakasabay si Parker dahil nabalitaan 'kong magkakaroon ng seminar para sa aming mga studyante kaya naman makikita ko siya ng matagal kaya lang panigurado hiwalay na naman kaming tatlong strands.

Saglit ko lang naka-usap si Parker nung Sabado dahil pinapunta siya ng Mama niya ng flower shop at nalaman ko din na yung Papa niya seaman pala kaya mayaman din sila.

Pumasok ako sa room at naabutan kong mga nag-aayos ang mga classmates ko.

"Anong meron?" I asked my other classmate.

"Seminar, hindi mo alam?"

"Seminar lang pala bakit kayo nag-aayos?"

"Girl, wag mong i-lang 'yon! Maraming makakakita sa amin kailangan ready kami." Ito din ang dahilan kaya napagkakamalang madali lang ang HUMSS dahil sa ibang studyante na katulad ko din na mga chill lang walang pake sa grades.

Karamihan kasi sa mga tamad sa amin nung grade ten mga nag HUMSS dahil sinasabi ng iba nas mas madali ito ganun din naman paniniwala ko noon.

Pagkarating namin sa gymnasium kung saan magaganap ang seminar ay puro mga nag-uusap usap lang sila kasama ko si Gale at nagM-ML siya dahil sigurado daw siyang aantukin lang siya dito sa seminar.

Naupo kami ni Gale sa dulo at napansin kong nasa harap sila Parker. Syempre lagi namang harap yung matatalino eh.

"Tangina ang bobo mo naman eh ayoko na nga." Gale said at our classmate Harry at natawa na lamang ako.

Napansin kong nagawi ang tingin sa akin ni Wendy at ngumiti siya sa akin at ganoon din siya napansin kong siya ang katabi ni Parker kaya napatahimik na lamang ako.

Dumating ang speaker namin at puro pagpapatawa lang siya sa una hangang sa paiyakin niya na ang ibang mga studyante habang ako hindi ako naiiyak pero nakatahimik lang ako dahil si Gale iyak ng iyak kasi sensitive 'to sa mga topic tungkol sa pamilya.

Hangang sa matapos ay iyak lang ng iyak si Gale at buti na lamang vacant namin at andito kami sa rest area.

"Why is she crying?" Brittany asked and sat down beside us at ganoon din sila Hollace.

"Seminar." I answered simply.

"Boyfriend mo na ba yung Parker?" I looked at Hollace and umiling ako. "Ano? Hina mo naman ata!"

"Tangina pake mo?" I rolled my eyes and itong Gale ayaw parin tumigil kakaiyak pakiramdam niya daw sobrang walang kwenta niyang anak dahil ang bobo niya.

"Pinagmamalaki ka sa section namin ng Adviser niyo ah." Ken said and laughed. "Sabi ko pa nga 'Putangina ma'am si Hernandez? Eh baka pasagutin niyo 'yon ng one plus one isagot non Magellan'."

Inirapan ko siya at tinadyakan sa binti kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi niyo lang matanggap na balang araw pagtanda natin sa akin kayo puro mangungutang." I laughed and Ken just rolled his eyes.

"Utang bakit mag-aasawa ka ng bumbay?"

"Hindi ng Engineer."

"Sugar Daddy?" Tanong ni Hollace.

"Alam niyo nakakabobo kayong kausap." Hinatak ko si Gale paalis at dinala siya sa building ng mga STEM.

"Tangina naman kasi, Eloisa. Umiiyak na ako't lahat nakuha mo parin lumandi." Sumilip ako sa salamin ng pinto nila at nakita ko siyang seryosong nagsasagot mukhang Basic Cal nila ngayon ah?

Sailing Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon