chapter 16

35 22 19
                                    

Tuko.

Sa wakas at makakapagpahinga na ako. Natutulog na si Pusa sa kabilang kwarto. Natatawa tuloy ako ng maalala ko ang nangyari kanina, akala ko talaga sumasakit ang ulo niya---putcha tinatakot lang pala ako! (>_<)

Hayst. Pero ayos na rin 'yon. Pinagpilit ko pa ang sarili ko kanina na tulungan siya sa pagpalit ng tela pero ayaw niya talaga, kesyo raw mahihirapan ako dahil mukhang bading raw akong umasta!

Ayaw na ayaw ko talagang tawagin akong bading! Dahil sa inis ko kanina'y pumasok nalang ako sa kwarto ko't padabog sinara ang pinto. Narinig ko pa siyang tumawa na animo'y nasisiyahan sa aking inasta. Nakakainis na talaga siya!

Pero hindi ko rin alam kung anong nangyari sa sarili ko. Kung kanina gusto kong paalisin siya dahil sa galit, ngayon naman gusto kong dito nalang siya sa piling namin.

"Ano ba kasi ang nangyari sa'kin?" Bulong ko pa habang nakatitig sa kisame.

Ang gaan gaan na kasi ng kalooban ko. Parang kamakailan lang ang lungkot lungkot ng pamilyang ito, ngayon biglang nag-iba ang atmospera ng bahay nato simula ng dumating siya sa pamamahay namin.

Para akong nabunutan ng tinik ng maalala ko ang kalutangan niya kanina. Simula nung nawala si hyung hindi na ako tumatawa, wala na rin akong lakas ng loob para ngumiti ng natoral--pero ng dahil sa pusang iyon--agad agad akong nagbago.

Ang gulo talaga! Ano ba kasi ang meron sa kaniya? Normal lang naman ang inasta niya. Sa pag-ooberserba ko'y wala namang kahina-hinala sa kilos niya. Pero kapag tanawin ang buong pagkatao niya kahit wala siyang maalala--parang ang espesyal niya. Para siyang grasya na napulot ni nanay sa kalsada.

Oras lang ang lumipas simula kanina nang dumating siya, pero pakiramdam ko nakasama na namin siya ng matagal.

Hayst! Kieno! Matulog kana nga lang!

-Samantha's POV-

Kanina pa ako dito sa kwartong nire-ready nina Manang kanina para sa'kin. Nakahiga. Tulala. Lutang. Ewan ko, hindi talaga ako makatulog. Siguro dahil hindi ganito ang kwarto ko.

Walang aircon, ni ceiling fan or electric fan wala. Hindi rin gano'n kalambot ang unan. Ang kapal at ang bigat pa ng comforter nila.

Hindi rin naman ako pwedeng mag-reklamo dahil nakitira nga lang ako sa kanila.

Bakit ba kasi ako naparito?

Paulit-ulit nalang ang mga tanong sa'king isipan. Hindi rin ako mapakali dahil naninibago parin pa talaga ako. There's even no assurance that I'll be safe as well.

Panaginip lang ba talaga ang lahat ng 'to? Kung panaginip man sana pagkagising ko bukas na bukas nasa totoong pamilya na ako.

Miss na miss ko na kayo, mommy. Sana makakasama ko na kayo ulit.

Pero sa pagkakataong ito, kahit papano'y natutuwa ako. Akalain mo 'yon! Bati na kami ng asungot! Edi wala na akong kaaway, diba?! Hihihi! Galing ko talaga!

(^__^)

Tsaka napaka-komportable nilang kasama. Malakas kaya radar ko! Masasabi ko talagang safe ako sa pamamahay na'to---pero hindi sa lugar na'to.

Hayst. Sana talaga may cellphone akong dala para naman may matatawagan ako, diba? Dibale, hahanap parin ako ng paraan para makabalik na'ko sa dating ako!

Tama! Tama! Be positive lang, Shac--este Samantha! Be positive!

-Third Person's POV-

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now