chapter 21

29 18 15
                                    

Courting.

-Samantha's POV-

Anim na buwan...

Anim na buwan na ang lumilipas pagkatapos ng insidenteng 'yon. Halos hindi ako makatulog nun dahil paulit-ulit rumehestro sa aking isipan ang itsura ni Alice. Dumudugo nitong dibdib at ang leeg nitong may hiwa. Hindi tao ang gumagawa nun!

Hindi nila pinatagal ang bangkay ni Alice. Hindi katulad sa Pilipinas na halos ilang araw pang mananatili ang bangkay sa kabaong. Dito, kapag wala na talagang pag-asang mabuhay ang isang bangkay ay agad nila itong ilibing. That night, the burial happened in an abrupt way.

Sa ilang buwan kong pananatili rito, masasabi kong maayos na ang lahat pagkatapos ng libing ni Alice. Nabalik sa normal ang lahat. Wala naring insedenteng nangyayari. Pero hindi ko parin maiwasang hindi isipin kung ano nga ang dahilan bakit pinatay si Alice. This is actually a serious matter, but the officials seems don't care. And it's even hard to find a trace of any suspicious character. The crime was indeed clean and was planned.

First time ko 'yon. First time kong makasaksi ng gano'n. Nakakapanindig balahibo. Nakakatakot.

"Sam!"

"Ate Sam!"

Tawag sakin nina nanay at Kaia sa di kalayuan sabay wagayway ng kanilang mga kamay. I waved back and smile. Nagtatanim sila ng gulay habang ako naman ay nandidilig ng mga halaman dito sa bakuran.

Naging maayos rin ang estado ng aking ulo. Wala nang telang nakabalot. Naging malapit rin ako sa mga kapitbahay namin, sa katunayan nga ay trinato narin nila akong parang anak. Napakagaan sa kalooban.

"Ka troppaa!" Rinig kong sigaw ng mga asungot mula saking likod.

Lumingon ako rito at hindi mapigilan ang hindi matawa dahil sa inasta ng mga loko. Alam niyo yung parang sinusurpresa ka? Yung tipong nakabukas lahat kamay nila. May pa posing-posing pang nalalaman.

"Ka tropa!" Sigaw ko rin saka lumapit sa kanila para mag fist bump! I taught  'em how to do it. (^_~)

"Anong ginawa niyo dito? Akala ko ba may trabaho ka Maki? Tapos ikaw, Ronnie, akala ko ba magbabantay ka sa nakababatang kapatid mo? Tsaka ikaw rin, Akil, diba sa palengke dapat ang punta mo?" Kibit balikat kong hasik sa kanila. Napalunok naman ang mga loko saka marahang napakamot sa ulo.

"Ka tropa, tapos na yung trabaho ko." Maki.

"Binabantayan narin ni inay ang nakababatang kapatid ko." Ronnie

"Tinatamad ako." Akil

(>_<)

Paano ko ba naging kaibigan ang mga to?! Hayst! Ewan, basta nagulat nalang ako naging kaibigan ko na sila. Mga anak rin kasi sila ng mga kapitbahay namin, kaya gano'n nalang kadali para kaibiganin sila.

Si Maki ay isa sa mga anak ni Manong Tonio. Si Ronnie naman ay anak ni Manong Kokoy, habang si Akil naman, ang pinakatamad sa tatlo, ay anak ni Aling Neneng. Bagong kapitbahay namin.

Si Ronnie ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Siguro nasa 5'7 taas niya. Palaging may tali ang buhok, hindi naman mahaba, talagang bet niya lang. Hayst! Moreno siya. May kakapalan ang kaniyang mapupulang labi, attractive siya kung tignan. Pero hindi ako naa-attract, just save that papuri a little bit. (>_<) matangos ang kaniyang ilong at kulay itim ang kaniyang mga mata.

Si Maki naman, ang pinaka-hyper. Nasa 5'5 ang height niya. Hindi gaano kaputi ang balat, malakas rin ang sex appeal niya. Kung titigan mo siya ng mabuti, para siyang famous korean actor na si Park Hyung Sik.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now