chapter 23

25 17 12
                                    

Nightmare.

-Ronnie's POV-

Hindi kapani-paniwala ang mga nasaksihan namin ngayon. Tila isang napakalaking sampal samin ang kakaibang kilos ni ka tropa.

Para siyang kidlat na umaapoy sa usok habang papalapit sa nobya ni Maki na si Karen. Malakas niya itong binatukan dahilan para mawalan ito ng malay. Nagulat naman si Maki dahil sa ginawa ni ka tropa. Napatigil rin kaming lahat, si Victor ay naninigas sa kaniyang kinatatayuan habang si Kieno naman ay nakamaang lang pinagmasdan si ka tropa.

Sa isang kurap ay walang kahirap-hirap na sinipa ni ka tropa si Victor sa tiyan at sinuntok ng malakas ang sikmura. Siniko niya ang batok nito at tinuhod ang tiyan. Hinatak niya ang buhok nito at sinipa ang ulo. Tumilapon sa kung saan si Victor at halos nahihirapan pa si Maki na umilag dahil sa malakas na pwersang dinulot ni ka tropa.

Nagsitinginan kaming dalawa ni Akil at sabay na lumunok saka binalingan ng tingin si ka tropa. Hindi siya pinaghahangusan. Wala ring pawis na lumabas mula sa kaniyang katawan. Ibang iba rin ang kaniyang titig. Hindi mo mapapansin kung galit ba siya o hindi dahil sa blangko nitong mukha.

Bukod saming pito rito sa loob ay wala nang iba pang nakasaksi sa gulong ito. Nasa labas ang mga magulang nina Karen, pati narin ang mga tiyuhin nito. Malabo ring marinig nila ang kaguluhan dito sa loob dahil mas malakas pa ang mga boses sa mga taong nag-iinuman at animo'y nagkukwentuhan.

Parang hangin na lumapit si ka tropa kay Victor na ngayon ay wala ng malay. Unti-unti nitong linuwagan ang kaniyang kamao saka nilagay niya ang kaniyang dalawang daliri sa kaniyang mismong labi at kasunod sa dibdib kung saan nado'n ang kaniyang puso.

"Alam ng diyos na hinding hindi ko to pagsisihan. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ay ang inaapak-apakan ang mga taong nagsilbing mga braso ko sa mga panahong ito." Walang buhay na sambit ni ka tropa sa walang malay na si Victor saka niya kami tinapunan ng blangkong tingin.

Napalunok ulit ako. (>_<)

Ang mga tinging iyon...nagbibigay kilabot sa mga kalamnan namin!

Tumakbo naman agad si Maki kay Karen na ngayon ay wala ring malay. Binitawan namin si Kieno at saka nilapitan si Victor. Nilagay ni Akil ang kaniyang kamay sa ilong ni Victor upang alamin kung humihinga pa ba ito.

"Buhay pa 'yan. Matagal mamatay ang mga taong kaibigan si kamatayan." Usal pa ni ka tropa. Hindi namin magawang tumingin sa mga mata niya, ibang iba kasi siya ngayon.

"K-karen! Gumising ka! Ka tropa, bakit mo dinamay si Karen?!" Mangingiyak na sumbat ni Maki habang nasa bisig niya si Karen at paulit ulit niya itong niyugyog.

"Pinapatulog ko lang 'yan." Ani pa ni ka tropa na tila wala lang sa kaniya lahat!

"P-pusa." Rinig kong utal na tawag ni Kieno sa kapatid nito. Mukhang hindi pa natauhan sa kaniyang nasaksihan.

Ang buong akala ko ay mahinhing babae si ka tropa. Pero lahat ng iyon ay tinangay ng hangin ng makita ko siyang ganito. Kakaibang abilidad.

Walang alinlangang lumingon si ka tropa kay Kieno. Una ay parang wala lang sa kaniya, ngunit unti unting nag-iba ang lasa ng kaniyang itsura. Bumalik sa dati si Samantha...bumalik ang itsura ng babaeng si ka tropa. Para siyang sinasapian ng ibang tao kapag galit. (>_<)

Tumakbo agad ito sa kinatatayuan ni Kieno at agad sinalubong ng yakap. "K-kieno, sorry." Rinig naming sambit ni ka tropa na animo'y parang isang batang humingi ng tawad sa magulang.

Hindi tumugon si Kieno ng yakap at wala ring salitang lumabas sa bibig niya. Tinaas niya ang kaniyang kamay at ikinagulat pa namin ang pagtapik nito sa likod ni ka tropa saka ngumiti na animo'y naintindihan niya ito.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now