chapter 24

26 17 9
                                    

Having Fun.

Tanghaling tapat na nang bigla ako sinibat sa bahay ng tatlong unggoy. Dinidisturbo pa nila ako sa silid. But for real, hindi na ako natutulog ulit pagkatapos ng panaginip na 'yon. Pilit ko parin initindi ang lahat. Minsan iniisip ko na baka naligaw lang ang panaginip na 'yon. Pumapaniwala rin kasi ako sa mga sabi-sabi, naniniwala ako na ang mga fairy ang gumagawa ng mga panaginip. Siguro pumalpak lang sila kaya ibang panaginip ang pinaginipan ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Iritang tanong ko pa dahil hatak hatak na nila ang dalawang kamay ko. Ni magpaalam kina nanay ay hindi ko na nagawa dahil sa kaatatan ng mga unggoy! Ano ba kasi ang meron at parang nagmamadali pa sila? Napag-isipan ko pa namang maghanap ng trabaho para makatulong kina nanay, sa susunod na araw ay sisingil ulit ang mga opisyales ng tax.

Si Akil ang nangunguna sa daan, hindi ko talaga alam kung saan kami patungo. Naging pepe kasi ang mga unggoy eh!

"Hoy, magsalita nga kayo! Maghahanap pa ako mamaya ng mapagkitaan, oh! Gusto kong tumulong kina nanay!" I said as I tried to stop them from pulling my hands.

Kumakarot-karot naman si Maki sa kaniyang ulo at huminto narin sina Ronnie at Akil sa paglalakad.

"Eh, do'n nga ang punta natin, ka tropa. Bukod sa magkapera ka, mag-eenjoy karin! Kaya tayo na!" Ani Maki saka hinatak ulit ang kamay ko na animo'y isang manika na walang buhay!

"Bilisan niyo kasi ang paglalakad! Baka mahuli pa tayo!" Sigaw pa ni Akil.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan nalang sila na hatakin ako. Total maganda rin sa pandinig ko ang sinabi ni Maki, eh! Hehehe! Sana nga magkapera ako ngayong araw! (^_^)

Napadpad kami sa nagkumpulang mga tao. Batid kong nasa sentro kami ng probinsya. Sa di kalayuan ay mayroong naghehelerang mga tindahan na nagtitinda ng mga kagamitan. Sa ibang panig naman ay mga tindahan na nagbibinta ng mga prutas. Kumbaga by section ang mga tindahan rito. May mga tindahan na para lamang sa mga gulay, karne at isda.

Nakisingit kaming apat sa maraming tao hanggang sa maaninag namin kung ano ang pinagkakitaan ng mga tao rito. Maingay, magulo, mabaho. Alam niyo kung ano ang pinagkaguluhan dito?! Isang laro kung saan pinapakawala ang maliit at mabangis na biik sa isang malaking hawla! Nasa loob ang tatlong lalaki at halos napapaliguan na sila ng putik! Natapos ang oras nila at wala paring nagwaging makuha ang biik!

Nagsigawan naman ang mga tao at batid kong nakikipag-pusta ang iilan kung sino ang mananalo. Umaanunsyo ulit ang isang matandang lalaki kung sino ang may lakas na loob na sasabak sa larong ito. Napalunok ako at nilibot ang paligid. Napalunok ako ulit ng mapagtantong ako lang ang babae rito! (>_<)


Umaanunsyo ulit ang matanda at nagulat pa ako nang bigla ako tinulak ni Maki dahilan para makuha ko lahat ang atensyon nila. Dagdag niyo narin ang bumabalot na katahimikan sa paligid! Tutok na tutok pa sakin ang announcer!


*gulped!*


"Hehehe?" Naiilang kong tawa sa kanilang lahat sabay peace sign. T^T Kasalanan to ni Maki!!!

Nagbulong bulungan pa 'yung iilan habang yung iba naman ay naglabas na ng pera para sa pusta nila.

Ramdam ko namang lumapit ang tatlong unggoy sa likod ko saka tina-tapik tapik pa nila ang likod ko. Anong klaseng trabaho tong pinasukan ko?! Ang mga unggoy talaga! Kahit keylan ang kikitid ng mga utak! Dinamay pa ako sa kalokohan!

"Kaya mo na 'yan, ka tropa." Bulong pa ni Akil.

"Mataas ang tingin namin sa'yo. Kayang kaya mo yan, ka tropa! Ikaw pa!" Giliw pang turan ni Maki. T__T


My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now