chapter 25

30 16 15
                                    

Princess of Ryanggang.

"Ikaw ang kauna-unahang nakapag-paamo ng alaga kong biik, hija. Lubos kong ikinahanga ang binibining katulad mo. Nawa'y tanggapin mo ito bilang pasasalamat dahil nakisali ka sa palarong ito." Ani ni Mang Hulyo sabay abot sakin ng dalawang libo at busilak na ngumiti.

"Dalawang libo? Isang libo lang po, Mang Hulyo. 'Yon ang kasunduan--"

"Tanggapin mo na ito, hija. Ikinararangal namin ang iyong pagsali. Nawa'y pagpalaan ka sana ng Diyos." Putol niya pa sa sinabi ko saka niya nilagay sa kamay ko ang pera. Ngumiti naman siya at halos ikinagulat ko ang nakakawerdo nitong ngiti! K-katulad yon sa ngiti ni lola!

Tatanungin ko sana si Mang Hulyo kung may alam ba siya tungkol sa nangyari sakin ngunit nawala lang siya na tila isang bula! Tanging ang pera lang ang nanatili sa kamay ko!

Inilibot ko pa ang paningin ko ngunit wala na talaga si Mang Hulyo.

Naalimputangan naman ako dahil sa mga hirit ng mga babae sa paligid! Animo'y kinikilig sa nakita!

Ano bang tinitignan nila?! Kunot noo akong tumalikod dahil nasa likod ko ang mga paningin nila.

(>_<)

Bakit wala nang damit pang-itaas ang tatlong unggoy na 'to?!

"Ang matcho-matcho ni Ronnie!"

"Maki ang pogi mo! Kkkyyaahhh!"

"Akil! Akin ka nalang!"

"Ang popogi nila!"

Lumalaki ang mga ulo ng tatlong unggoy!
(-_-) Si Ronnie ay nagpupunas sa abs niya! Yung tipong nang-se-seduce talaga! Si Maki naman ay pinapagpag ang buhok niya saka kinagat-kagat ang labi dahilan para mapahiyaw sa lakas ang mga babaeng nagkalumpo-lumpo sa kaniya! (>_<) Si Akil naman ay hinahagod-hagod ang kaniyang buhok! Sa bawat taas ng kaniyang kamay ay mapansin mong nagma-matcho ang tokwa! Maaninag mula rito ang mga biceps at mga abs nila! Mga timang! Hindi to club!

(>_<)

Bahagya akong lumapit sa kanila at natigilan naman sila. Masama ko silang tinignan at mukhang napansin naman nila 'yon. "Gusto niyo bang isumbong ko kayo sa mga nobya niyo?" Pananakot ko pa sa kanila at halos namutla naman sa takot sina Maki at Ronnie.

"Wala akong nobya." Ani Akil. *death glare!

"Ibaon kaya kita nang buhay?" Napalunok naman si Akil. Pambihira talaga tong mga unggoy na 'to! Paano kapag may magsumbong samin dahil sa ginawa nila?! Edi damay pa ako! Mahigpit ang mga batas dito! And that includes public nudity! And what more worst than that?! The biggest penalty of this kind of sin is death!

"Isuot niyo yang mga damit niyo." Utos ko pa sa kanila na ikinasimangot nila.

"Ka tropa, punong puno na ng putik ang mga damit namin eh." Reklamo pa ni Maki.

(-_-)

"Isusuot niyo o ako na mismo ang magsumbong sa mga opisyales na nilabag niyo ang batas na ginawa ng hari?"

Walang pag-alinlangan nilang sinuot ang kanilang mga damit kaya napabuga ako ng hangin at lumisan na sa lugar na 'yon.

Pumapadyak akong naglalakad at pilit iniiwasan ang mga titig ng kalalakihan sa paligid! Itinago ko ang pera sa loob ng damit ko at pasimpleng pinagpag ang dulo ng hanbok. Tumutuyo na ang putik sa damit ko! (>_<)

"Dalian niyo nga yang kilos niyo!" Sigaw ko pa sa tatlong unggoy ng mapansin kong pasimple pa ang mga itong naghaharutan sa kapwa babae!

And finally! They obliged!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now