chapter 26

24 14 10
                                    

Kieno's Childhood Friend.

Masaya kaming nagsiuwian habang kaakbay ang isa't isa kahit punong puno ng putik ang sarili. Hindi ko rin maiwasang hindi ngumiti dahil sa bawat daang dinadaanan namin ay ningitian kami ng mga tao. Hindi rin naman nila binigyan ng malalim na kahulugan ang pagkakaroon ko ng relasyon sa tatlong unggoy na'to. Parang mga kapatid narin kasi ang turing ko sa kanila.

Panay ang pag-hu-hum ni Maki habang tinatahak namin ang daan pauwi. Si Akil naman panay reklamo dahil ang pangit raw ng tono ni Maki kahit naghu-hum lang. Si Ronnie naman ay parang happy-go-lucky-guy lang, yung tipong nakisabay nalang sa dalawa.

Pagdating namin sa mismong bakuran ng bahay ay naaninag namin si nanay na naghuhugas ng pinggan. Sininyasan ko naman ang tatlong unggoy na wag maingay dahil balak kong gulatin si nanay. Naglakad ako ng mahina at hindi gumawa ng anumang ingay. Sumunod naman yung tatlo sa likod ko.

"Isa, dalawa, tatlo." Walang boses kong ani sa tatlo.

"Surprise!!!" Ako

"Bulaga!" Maki

"Aling Mariclar!" Ronnie

"Boogsh!" Akil at nagshowering pa yung laway niya!

(-_-) Sabay sabay naming binanggit 'yon! Ang mga timang! Hayst!

Napaigtad naman si Nanay sa gulat at agad sinapo ang dibdib. "Kayong mga bata talaga!" Natatawa naman kami dahil sa epic fail na sikmura ni nanay.

"Bakit puro putik kayo? Ano ba'ng ginagawa niyo't ganiyan ang mga itsura niyo? Saan ba kayo nanggaling?" Sunod sunod pang tanong ni nanay habang sinusuri ang kabuuan naming apat, kaya pinakita ko nalang sa kaniya ang perang pinalunan ko.

Lumaki naman ang kaniyang mga mata at mukhang nagtataka pa kung saan ko nakuha to. Ngumiti ulit ako saka kinuha ang kamay ni nanay at nilagay ang pera sa palad niya.

"Nanalo po ako sa isang laro nay. 'Yon rin ang dahilan kung bakit ganito ang mga itsura namin ngayon." Paliwanag ko pa.

"Sikat na sinat na nga po si ka tropa, Aling Mariclar! Diba mga tol?!" Singit ni Maki saka nakipag apir kay Ronnie.

"Oo. Naghahanap po siya ng makakakitaan, Aling Mariclar dahil gusto niya po raw kayo tulungan. Masipag at masinop po talaga 'yang anak niyo." Turan ni Ronnie. Ramdam ko namang pinihit ni nanay ang kamay ko kaya ngumiti nalang rin ako.

"Patay na patay nga do'n lahat ng babae sa'kin, eh." Agad na sambit ni Akil. (>_<)

"Kulang sa sapak." Ngiwing bulong ni Maki ngunit rinig naman ni Akil.

"Wag kang malungkot, Maki. Isa ka sa mga patay sa'kin." Maangas na ani Akil saka walang alinlangang tumakbo na animo'y alam na nito na hahabulin siya ni Maki.

"Adik ka talaga! P*tang*na!" Sigaw pa ni Maki habang hinahabol si Akil.

Nagsitawanan naman kaming tatlo ni Ronnie at nanay. Meant to be talaga ang dalawang 'yon. Sino kaya ang bading sa kanila? Si Akil kaya? Kasi si Maki, babae naman ang gusto, kaya nga siya may Karen diba? Baka naman si Akil ang bading, ayaw niya sa mga babae, eh. Pero mahilig siyang magpasikat, chicks boy ang loko eh. Sino kaya sa kanilang dalawa no?

"Humanda ka talaga sa'kin! Tang*nang bading!" Sigaw pa ni Maki sa di kalayuan habang tinuturo si Akil na malayong malayo sa kaniya.

"Ulol!" Sigaw rin ni Akil rito.

Hinayaan nalang namin sila. Nagpaalam narin si Ronnie dahil maliligo pa daw siya't umalingawsaw na ang baho namin sa paligid. Napatawa naman ako. Tinanggap narin ni nanay ang pera at panay naman ang pasasalamat. Gusto kong tumulong kahit sa ganitong paraan man lang. Nung una ay panay ang tanggi ni nanay dahil pinaghirapan ko raw 'yon, ngunit hindi siguro niya matiis ang pagiging makulit ko kaya tinanggap niya rin ito sa huli.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now