chapter 28

20 14 9
                                    

Robber.

Lutang at walang buhay ako ngayong naglalakad pa-uwi habang ina-alala ang mga tanong ng ginang kanina.

"S-saan ka ngayon nakatira?"

"M-maayos lang ba ang kalagayan mo?"

Nakakapagtaka lang. Bakit niya kaya tinatanong 'yon sa'kin? May alam kaya siya?

"K-kinakailangan mong palakasin ang loob mo't---"

Ano rin naman kaya ang kasunod nun? Palakasin ko ang loob ko? Bakit?

(>_<)

Tinapik-tapik at kinurot-kurot ko ang sariling pisngi ko sabay tampal ng noo. Sam, baliw nga 'yon diba?! Malamang kung anu-ano nalang ang ma-isip nun!

Hinihimasmasan ko ang aking sarili bago binalik ang ngiti sa labi ko habang tinitignan ang aking pitaka na puno ng barya-barya at mga papel. Pinaghirapan ko 'to, dapat masaya ako! (^__^)

Pagkuwan ay mas nilakihan ko pa ang paghahakbang ng mga paa ko at hindi na binalik muli sa loob ng damit ko ang pitaka. Hindi na kasi kasya, kapag ilagay ko pa kasi sa dibdib ko, parang may bukol na dahil sa laki, tsaka mabigat rin dahil sa barya.

Para akong bata na masayang naglalakad pauwi. Nakangiti ang mga labi. Panay rin ang bati ko sa mga taong nakakasalubong ko sa daan saka pinakita sa kanila ang matamis kong ngiti. Babati rin naman sila kapagkuwan at purihin pa ako minsan.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang may biglang nahagilap ang mga mata ko. Nasa gitna ako ngayon ng daan, nakatitig sa mga paintings na nakasabit sa bawat dingding ng isang maliit na tindahan. Malaki ang lugar na 'to para sa mga nagkukumpulang mga tindahan.

Sa kerami-raming painting na nakasabit do'n, isa lang ang naagaw ng atensyon ko. Lumapit ako sa tindahan saka tinitigan ito ng mabuti. Massacre.

Maraming patay sa paligid, nagkalat rin ang mga pana, mga dugong nagsilbing pentura sa bawat dingding ng bahay. B-bakit nila 'to pene-paint? B-bakit parang ang brutal? H-hindi ba pwedeng masayang bayan nalang ang ipe-paint nila?

"Hija, mukhang nakuha ng iyong atensyon ang isang 'yan." May kaunting pagkasurpresa ako sa pagsulpot ng kahera dahil nalulunod na'ko sa pag-iisip ng painting na 'to.

Lumingon ako sa kaniya at binalik ang usual kong mukha. "Ale, s-sino po ang gumawa niyan? Nangyari na po ba 'yan?" Pagtutukoy ko sa Massacre na painting.

And as I've noticed, ang painting na 'to lang ang naiiba sa lahat. Almost all of the portraits na narito ay pawang mga kalikasan. May mga bahay, waterfalls, rivers, trees, the king's palace and a simple village covered by a hundreds of birds. See?

I heard the old woman chuckled. "Asawa ko ang gumawa ng lahat ng ito, hija." She roamed her eyes on the paintings. "At hindi nangyari ang isang 'yan. Sadyang malawak lang ang isip ng aking asawa kung kaya't napag-isipan niyang gumawa ng kakaiba, bukod tangi lang ang isang 'yan. At napaka-imposeble naman siguro kung mangyari 'yan dito, hija. May kakayahan at abilidad ang hari natin. Hinding hindi niya tayo papabayaan." Mahabang litanya niya.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa painting at pinagmasdan ito muli. "Nasa'n po ang asawa niyo, Ale?" Tanong ko ng hindi tinanggal ang titig sa painting.

I'm sure hindi niya lang ito basta-basta maisip nang walang sapat na dahilan. Kinuha nila ang enerhiya't imahinasyon nila hindi lang sa utak, kundi dinala pati puso. Kung dinama niya ng buong puso ang ganitong ka perpektong pangyayari, hindi ba't mayroong nakaukit na malalim na kahulugan?  Sa bawat dugong tumalsik, sa bawat panang tumatalab sa likod ng mga tao, sa bawat luhang pumapatak mula sa mga batang nagsitaguan sa mga maliliit na kahon---lahat ng iyon kakaiba sa paningin ko at kutob ko.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now