chapter 42

18 8 2
                                    

Princess Yanaez is Yana?

"Tham! Hoy Tham! Tham!" Ramdam ko ang kamay na yumuyogyog sa magkabilang balikat ko.

Napabalikwas naman agad ako ng bangon ng maalala yung mga pating!

"Yung pating! Takte yung mga pating!" Naghuhumirintado ko agad na sigaw.

"Tham, nasa dalampasigan na tayo. Nahimatay ka kasi nung may pating na lumapit sayo tapos binuka yung malaking bibig nila." Inikot ko ang buong paningin ko at nandito na nga kami sa dalampasigan. *hinga ng malalim*

Agad kong kinapa-kapa ang buong katawan ko upang mapagtanto kung buhay pa ba talaga ako. Binalingan ko si Balensyano ng tingin ngunit kakaiba ang titig niya sa mukha ko.

"B-bakit?!" Bulalas ko. Para siyang nakakita ng multo habang tinuturo ang mukha ko.

(>_<)

"N-naging pating narin ba itsura ko?" Gumagaral kong tanong at kunti nalang maiiyak na talaga ako.

"Ppppffttt Bwahahahahahahaha! Grabi expression mo, Tham! Hahahahaha!" Halakhak niyang puna habang nasa tiyan ang kaniyang dalawang kamay.

Unti-unti naman nag-init ang ulo ko kaya tumayo ako upang batukan sana siya ng malakas ngunit datapwat ay agad siyang kumaripas ng takbo!

"Uuurrgghh! Balensyano! Buset ka talagang kumag ka! Humanda ka talaga sa'kin pag naabutan kita!" Inis kong bulyaw. Huminto naman si Balensyano sa kakatakbo saka ako binelatan at tumakbo ulit.

(>__<)

Uuurrrghh! Inutil talaga ang kumag na Balensyano!

Sinundan ko siya ng takbo hanggang sa makarating kami sa bahay. Sa likod siya dumadaan kaya napag-isipan kong sa harap ako dumaan upang mabihag ko agad siya. Ngunit pagtakbo ko papunta sa harap ay ikinagulat ko ng may nabunggo akong tao!

"Ouch! A-aray!"

"S-sorry! Sorry!" Tutulungan ko na sana siyang tumayo ng mapagtanto ko ang itsura niya.

"M-my Princess! Fvck! What happened?!" Naaninag ko agad si Gorilla na lumabas mula sa loob at agad tumungo sa gawi namin upang tulungang tumayo si Princess Yanaez. (>_<)

Mukhang nasasaktan nga si Princess Yanaez dahil nagkaroon ng gasgas ang siko niya. "S-sorry talaga. H-hindi ko sinasadya. Sorr--"

"Bullsh*t! Why can't you act a little normal?! You keep on doing incomprehensible things!" Napatigil ako at natuod sa kinatatayuan dahil sa sita niya. Pinipigilan ko ang mga luhang unti-unting nangingilid sa mga mata ko.

He's so mean. Would it kill him to be a little nicer?

"Tham! A-anong nangyari?" Dumating si Balensyano at mukhang gulat pa siya ng masilayan ang nagasgasang siko ni Princess Yanaez.

Tinutulangan ni Gorilla si Princess Yanaez sa pagtayo.

"I-I'm okay. D-don't exhaust yourself Prince Gav." Mahinang saad ni Princess Yanaez ngunit hindi siya pinakinggan ni Gorilla. Sa halip ay nilagay niya ang kamay ni Princess Yanaez sa kaniyang balikat at agad hinawakan ang bewang nito.

Bago paman sila maka alis sa harap namin, binalingan ako ng masamang tingin ni Gorilla. Yung tingin na maypagkadi-gusto. Yumuko nalang ako at hinintay silang makapasok sa loob ng bahay.

Now tell me, should I stop this hatred of mine towards him? How?

Nang mawala na ang presensya nila sa harap namin, do'n na tumulo ang mga luha ko.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now