chapter 43

16 8 6
                                    

Shamsham.

Umuwi na si Princess Yanaez sa kanilang kaharian. Kinuha siya dito ng kaniyang mga tauhan, bumabyahe sakay sa isang magandang carriage.

Hindi ko alam kung okay na ba si Gorilla, simula kanina hindi pa ako nakapasok sa loob ng bahay dahil wala akong lakas na loob para harapin si Gorilla. And I don't have the courage to apologize either. *Hingang malalim* Wala rin kasi dito si Balensyano dahil nasa kanilang kaharian siya. Binibisita ang kaniyang mga magulang. Wala tuloy akong ka-kwentuhan.

Pero...

Aaminin ko. Bumabara parin sa aking isipan ang pag-amin ni Princess Yanaez na siya si Yana. I mean, natauhan lang kasi ako, na surpresa rin kumbaga, dahil sinabi niya iyon sakin ng walang pag-alinlangan. I really thought na may mali sa kaniya, but then I realized, hindi lang siguro siya makapaniwala na nafigure-out ko kung sino siya at kung ano ang papel niya.

(^___^) Ibig kayang sabihin no'n, pinagkatiwalaan niya ako?

Ang totoo, may kaunting saya ang puso ko ngayon. Kung ipinagkatiwala niya sa'kin ang sekretong iyon, pwes i-zi-zip ko rin ang bibig ko para hindi siya madidismaya.

Hehe. Nabuhayan yata ang dugo ko. Kahit kasi maliliit na bagay maa-appreciate ko agad. Ewan ko rin kung bakit ang dali kong magpatawad sa isang tao, siguro dahil naintindihan ko kung ano ang takbo ng buhay nila. Hindi ko naman hinahangad ang mga pamantayang ginawa nilang torneo, para kasi sakin sapat na ang mababait nilang asal na pinapakita bilang talukod sa pananaw ko.

Sana talaga magkaroon ng happy ending sina Gorilla at Princess Yanaez.


Bumalik ulit ako sa kusina upang hugasin yung mga kagamitan do'n ngunit pagdating ko'y nakita ko si Luciosuno na patapos nang maghugas.






"Luciosuno, ako dapat ang gumawa niyan." Nakanguso kong sambit na ikinatigil niya. Sa tuwing babanggitin ko pangalan niya, ganiyan palagi reaksyon niya. Tch!

"L-lady Sam, to tell you frankly, y-you're not good at washing plates and cooking pots." Napagitla ako.

"Ano?! Uy Luciosuno, para sabihin ko sayo hugasera ako! Tanungin mo pa sina nanay!" Pagmamayabang ko pa. Napakamot naman siya sa kaniyang sintido at batok saka nginuso ang mga kalderong hinugasan ko.

"It looks horrible, Lady Sam." Komento niya pa. (>_<)

Kasalanan ko ba kung bakit dikit ng dikit yung natitirang sunog na kanin sa kaldero?! Eh, kahit anong gawin kong pagkuskos hindi naman tumatalab!

"The glass looks awful too." Reklamo niya ulit ngunit sa kalmang boses.

Sinipat ko agad yung mga baso na malapit lamang sa kinalalagyan ng mga kaldero. (>_<) Marami ring sibo at may mga sabon pa ang iilan.

"E-eh, ayaw como-operate ng sabon, eh!" Nabulalas ko nalang. Nakita ko si Luciosuno na palihim na tumatawa. Napangiwi naman ako.

"Walang nakakatawa, ah!" Umiling siya ngunit nando'n parin ang mukhang pinipigilan ang hindi matawa. (-_-) Timang to ah!

"Uy! Luciosuno, sabing walang nakakatawa!" Sinapak ko ang braso niya at do'n na siya bumuga ng tawa.

(0_0)

I stiffened. Ngayon ko lang nasaksihan ang mga tawa ni Luciosuno. Ang akala ko kasi mahiyain at palagi siyang seryuso. Hindi ko alam na may side pala siyang ganito.

Sa kabila ng pagkahuma'y ngumiti nalang rin ako. Lumapit ako sa maliit na planggana habang walang humpay ang tawa niya. Agad akong humagis ng tubig para matalsikan siya. Nagulat naman siya sa aking ginawa kaya tinalsikan ko siya ng tinalsikan. Nakabawi naman agad siya kaya humagis rin siya ng tubig at pinipisik-pisik iyon sa'kin.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now