chapter 48

17 7 4
                                    

Confession.

Anim na po't isa na ang nakaraan simula nung kaarawan ni Balensyano. Hanggang ngayon wala parin akong balita na nakukuha mula sa kanila.

Kumusta na kaya sila? May kalaro kaya si Balensyano do'n? O baka naman nagtatampo na iyon sa akin?

Bumuga ako ng malalim na hininga bago sumibat palabas ng silid. Nagbibihis kasi ako ng panibagong hanbok, sabi ni Bruha isusuot ko raw ang pampalakasan kong dress. Nilagyan niya rin ako ng kaunting make-up. Medyo hindi pa nga ako kumbinsido sa mga nilalagay niya sa'kin, yung lipstick naman nila ay parang papel de japon na kailangan mo pang idampi ang mga labi mo do'n upang pupula.

"Ka tropa! Ang ganda mo!" Manghang sigaw ni Maki nang makalabas ako.

Lumingon naman agad sina Akil at Ronnie sa gawi ko at laglag panga pa sila ng masilayan ako.

"Ako ang naglagay kulurete sa mukha niya!" Proud pang wika ni Lisa sabay higit sakin upang yakapin ako.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. "Bruha, hindi ba talaga ako malaswang tignan dahil sa nilagay mong kulurete sa mukha ko?" Hindi kasi ako komportable magsuot ng make-up.

"Anu ka ba! Mala-diyosa---ay hindi! Mas nangingibabaw na nga ang ganda mo sa mga mala-diyosang mukha! Diba Maki?!"

"OO!"

(>_<)

"Oh kita muna? Tulo nga laway ni Kieno oh!" Napalingon ako kay Kieno sa bandang likod ni Akil at namumula pa itong nag-iwas ng tingin sakin.

"Hoy Asungot! Okay lang ba talaga ang mukha ko?" Dagliang tanong ko sa kaniya.

Nagtataka naman ako sa inasta niya. Para talaga siyang praning na kapag magkakasalungat ang mga mata namin ay iiwas agad siya. "O-oo, p-pero mas maganda ka kapag walang bahid na k-kulurete ang mukha mo." Nauutal niyang sambit.

"Hoy Kieno! Sinasabi mo bang pangit ang pagkalagay ko ng kulurete sa kaniya?!" Naniningkit na bulyaw sa kaniya ng bruha. Adik talaga ang babaeng to.

"W-wala akong sinasabing gano'n." Depensa ni Kieno.

"Iyon ang punto mo! Ronron! Sabihin mo sakin, maganda naman ang pagkalagay ko ng kulurete sa mukha ni Sam, diba?!" Nakapamewang nitong saad.

"Oo mahal! Maganda!" (-_-)

Parang napilitan lang, eh. (T__T)

Maganda naman talaga ako. Alam ko na 'yan. Ang pinoproblema ko lang ay ang make-up sa mukha ko.

Sino ba ang may gustong lagyan ng nunal ang gitna ng noo?!

Takte talaga ang bruhang 'to! Gusto niya kasi akong lagyan ng third eye!

"Malapit nang mag alas singko, dapat nasa North Hwanghae na tayo." Saad ni Akil.

Pormal na pormal ang suot nila. April fifteen kasi ngayon, birthday ng hari. Kada taon raw sila magce-celebrate ng festival at tinatakda sa kaarawan ng hari ng North at South Hwanghae.

Magsisimula ang selebrasyon mamayang alas siyete ng gabi at magtatapos sa alas dose ng umaga.

"Tayo na." Wika rin ni Kieno kaya nagsitanguan kami.

Pasimple kong dinukot ang salamin na nasa gilid ng pinto at agad binura ang ginawang nunal ng bruha sa noo ko. Nang mawala ito ay agad akong sumibat at dinala si Shamsham. Hindi pwedeng maiwan si Shamsham dito. Baka magkakalumpungan pa sila ni Mowgli. Mahirap na, baka magiging lola pa ako.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now